Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Bumuo Siya ng “mga Palagay sa Kaniyang Puso”
    Ang Bantayan—2008 | Oktubre 1
    • Paglalakbay Patungong Betlehem

      Hindi lamang sina Jose at Maria ang naglalakbay. Kamakailan lang, nag-utos si Cesar Augusto na ang lahat ng kaniyang nasasakupan ay dapat umuwi sa kanilang sariling bayan upang magparehistro. Paano tumugon si Jose? Ganito ang sinasabi ng ulat: “Sabihin pa, si Jose rin ay umahon mula sa Galilea, mula sa lunsod ng Nazaret, patungo sa Judea, sa lunsod ni David, na tinatawag na Betlehem, dahil sa kaniyang pagiging miyembro ng sambahayan at pamilya ni David.”​—Lucas 2:1-4.

      Ang pag-uutos ni Cesar nang panahong iyon ay hindi nagkataon lamang. Mga 700 taon bago nito, inihula na ang Mesiyas ay ipanganganak sa Betlehem. Nagkataong may bayan nga na tinatawag na Betlehem, na 11 kilometro lamang mula sa Nazaret. Pero espesipikong tinukoy sa hula na sa “Betlehem Eprata” ipanganganak ang Mesiyas. (Mikas 5:2) Sa ngayon, mga 150 kilometro ng maburol na lansangan ang layo ng Nazaret sa maliit na nayong iyon sa timog. Ito ang Betlehem kung saan pinauuwi si Jose dahil ito ang tahanan ng pamilya ni Haring David​—ang pamilyang pinagmulan ni Jose at ng kaniyang asawa.

  • Bumuo Siya ng “mga Palagay sa Kaniyang Puso”
    Ang Bantayan—2008 | Oktubre 1
    • Ano pa ang nag-udyok kay Maria na sumunod? Alam kaya niya ang hula na sa Betlehem ipanganganak ang Mesiyas? Walang sinasabi ang Bibliya. Pero posible ring alam niya ang tungkol dito dahil lumilitaw na pamilyar dito ang relihiyosong mga lider at maging ang karamihan ng tao noon. (Mateo 2:1-7; Juan 7:40-42) Kung kaalaman naman sa Kasulatan ang pag-uusapan, tiyak na may alam dito si Maria. (Lucas 1:46-55) Anuman ang dahilan kung bakit sumama si Maria sa paglalakbay​—ito man ay dahil sa pagsunod sa kaniyang asawa, sa utos ng gobyerno, o sa pagtupad sa hula mismo ni Jehova​—nagpakita siya ng napakahusay na halimbawa. Lubhang pinahahalagahan ni Jehova ang mga taong mapagpakumbaba at masunurin. Sa panahon natin kung kailan ang pagsunod ay madalas na waring ipinagwawalang-bahala, ang halimbawa ni Maria ay nagsisilbing inspirasyon sa tapat na mga tao sa lahat ng dako.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share