Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Ihayag Ninyo Ito sa Gitna ng mga Bansa”
    Mamuhay na Isinasaisip ang Araw ni Jehova
    • 8. Bakit inihahalintulad sa isang leon “ang mga nalalabi sa Jacob”?

      8 Sa mensahe ni propeta Mikas, ang mga naghahandog ng ‘mga guyang toro ng kanilang mga labi’ ay inihalintulad sa isang leon. Sumulat siya: “Sa gitna ng mga bansa, . . . ang mga nalalabi sa Jacob ay magiging tulad ng isang leon sa gitna ng mga hayop sa kagubatan, tulad ng isang may-kilíng na batang leon sa gitna ng mga kawan ng mga tupa, na kapag dumaraan ito ay kapuwa nanyuyurak at nanluluray; at wala ngang tagapagligtas.” (Mikas 5:8) Bakit angkop ang paghahambing na ito? Sa ating panahon, ang bayan ng Diyos, na pinangungunahan ng pinahirang nalabi, ay dapat magpakita ng tulad-leong lakas ng loob sa paghahayag ng babalang mensahe sa mga bansa.a

      Larawan sa pahina 169

      Buong-tapang mo bang inihahayag ang araw ni Jehova?

      9. (a) Kailan mo kailangang magpakita ng tulad-leong lakas ng loob? (b) Paano ka magkakaroon ng lakas ng loob sa harap ng pagsalansang o kawalang-interes?

      9 Malakas ba ang loob mong gaya ng isang leon sa paghahayag ng aspekto ng mensahe na nagbibigay-babala? Baka kailanganin mo ang gayong lakas ng loob hindi lamang kapag humaharap ka sa mga awtoridad kundi kapag nagsasalita ka sa iyong mga kaeskuwela o katrabaho o sa iyong di-sumasampalatayang mga kamag-anak. (Mikas 7:5-7; Mateo 10:17-21) Paano ka magtitipon ng lakas ng loob sa harap ng pagsalansang o kawalang-interes? Pakinggan mo kung paano naisagawa ni Mikas ang mahirap na atas na pagbibigay ng babala tungkol sa pagkawasak kapuwa ng Samaria at Jerusalem: “Ako naman ay napuspos ng kapangyarihan, sa pamamagitan ng espiritu ni Jehova, at ng katarungan at kalakasan, upang sabihin sa Jacob ang kaniyang pagsalansang at sa Israel ang kaniyang kasalanan.” (Mikas 1:1, 6; 3:8) Ikaw man ay maaaring ‘mapuspos ng kapangyarihan’ sapagkat maaari ka ring tumanggap ng saganang suplay ng nagbibigay-lakas na espiritu ng Diyos. (Zacarias 4:6) Sa pamamagitan ng pananalig sa Diyos sa panalangin, maipahahayag mo ang mga salita na maaaring magpangilabot sa mga tainga.​—2 Hari 21:10-15.

  • “Ihayag Ninyo Ito sa Gitna ng mga Bansa”
    Mamuhay na Isinasaisip ang Araw ni Jehova
    • a Ang hulang ito ay maaaring unang natupad noong yugtong Macabeo nang palayasin ng mga Judio sa ilalim ng mga Macabeo ang kanilang mga kaaway mula sa Juda at muling inialay ang templo. Dahil dito, naging posible para sa isang nalabi ng mga Judio na malugod na tanggapin ang Mesiyas nang lumitaw ito.​—Daniel 9:25; Lucas 3:15-22.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share