Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pakikitungo sa Iba Ayon sa Nais ng Diyos
    Mamuhay na Isinasaisip ang Araw ni Jehova
    • 6. Kung ihahambing sa Zacarias 7:10, ano ang iminumungkahi ng Mikas 7:18 na gawin natin?

      6 Inutusan ni Jehova si Zacarias na banggitin ang Kaniyang naisin na ‘huwag tayong magpakana ng kasamaan laban sa isa’t isa sa ating mga puso.’ (Zacarias 7:9, 10; 8:17) Kapit ang payong ito kung inaakala nating nasaktan tayo ng isang kapatid o nagawan niya ng mali ang isang kapamilya natin. Sa gayong mga kalagayan, madaling ‘magpakana ng kasamaan sa ating puso’ at pagkatapos ay ipakita ito sa ating mga gawa. Sa kabilang dako naman, gusto ng Diyos na tularan natin ang kaniyang mabuting halimbawa. Alalahanin na isinulat ni Mikas na si Jehova ay “nagpapaumanhin sa kamalian at nagpapalampas ng pagsalansang.”a (Mikas 7:18) Paano natin ito maikakapit sa praktikal na mga paraan?

      7. Bakit maaari nating ipasiya na basta kalimutan na lamang ang isang pagkakasala?

      7 Maaaring nasaktan tayo dahil sa ginawa sa atin o sa ating kamag-anak, ngunit sa totoo, gaano ba kaseryoso ito? Binabalangkas ng Bibliya ang mga hakbang upang lutasin ang mga di-pagkakaunawaan, kahit na ang isang kasalanan laban sa isang kapatid. Gayunpaman, kadalasang pinakamabuting kalimutan na lamang ang pagkakamali o ang pagkakasala, ‘palampasin ang pagsalansang.’ Tanungin ang iyong sarili: ‘Ito kaya ang isa sa 77 ulit na dapat ko siyang patawarin? Bakit hindi ko na lamang ito kalimutan?’ (Mateo 18:15-17, 21, 22) Kahit na kung waring malaking kasalanan ito sa ngayon, magiging gayon pa rin kaya ito isang libong taon mula ngayon? Matuto ng mahalagang aral mula sa komento sa Eclesiastes 5:20 hinggil sa pagiging nasisiyahan ng isang manggagawa na kumain at uminom: “Hindi niya madalas na aalalahanin ang mga araw ng kaniyang buhay, sapagkat ginagawa siyang abala ng tunay na Diyos sa pagsasaya ng kaniyang puso.” Habang maligayang pinagtutuunan ng taong iyon ang kaniyang kasalukuyang kaluguran, nalilimutan niya ang mga problema ng kaniyang pang-araw-araw na buhay. Maaari ba nating tularan ang saloobing iyon? Kung pagtutuunan natin ng pansin ang mga kagalakan sa ating Kristiyanong kapatiran, makalilimutan natin ang mga problema na hindi naman mahalaga sa kalaunan, mga problemang hindi na natin maaalaala sa bagong sanlibutan. Ibang-iba iyan sa pagsasaya dahil sa kasawian ng iba o pag-alaala sa mga kasalanan.

      Larawan sa pahina 113

      Kung may nakasakit sa iyo, ano ang dapat mong iwasan?

  • Pakikitungo sa Iba Ayon sa Nais ng Diyos
    Mamuhay na Isinasaisip ang Araw ni Jehova
    • a Kung tungkol sa “nagpapalampas ng pagsalansang,” sinasabi ng isang iskolar na ang Hebreong metapora ay “batay sa paggawi ng isang manlalakbay na nagpapatuloy sa kaniyang paglalakbay nang hindi pinapansin ang isang bagay na ayaw niyang pansinin. Ang ideya [ay hindi nangangahulugan na hindi nakikita ng Diyos ang kasalanan] kundi na sa ilang kalagayan, hindi niya binibigyan ng pantanging pansin ang kasalanan taglay ang intensiyon na magparusa; hindi ito nangangahulugang hindi siya nagpaparusa, kundi sa halip ay nagpapatawad.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share