Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • May Tunay na Pag-asa ang mga Lingkod ni Jehova
    Ang Bantayan—2003 | Agosto 15
    • 19, 20. Ano ang naranasan ng mga Judio na nagtiwala kay Jehova?

      19 Gayunman, ang pag-asa niyaong mga nagtitiwala kay Jehova ay hindi mabibigo. Si Jehova ay tapat sa kaniyang mga tipan kina Abraham at David, at siya ay may awa sa mga kagaya ni Mikas na umiibig sa kaniya at nagdadalamhati sa pagkakahiwalay ng kanilang mga kababayan sa Diyos. Alang-alang sa mga matuwid, magkakaroon ng pagsasauli sa takdang panahon ng Diyos.

      20 Nangyari iyon noong 537 B.C.E., pagkatapos bumagsak ang Babilonya at bumalik ang nalabi ng mga Judio sa kanilang tinubuang lupain. Nang panahong iyon, ang mga salita sa Mikas 2:12 ay nagkaroon ng unang katuparan. Sinabi ni Jehova: “Tiyak na titipunin ko ang Jacob, kayong lahat; walang pagsalang pipisanin ko ang mga nalalabi sa Israel. Ilalagay ko sila sa pagkakaisa, tulad ng mga tupa sa kural, tulad ng isang kawan sa gitna ng pastulan nito; sila ay magiging maingay dahil sa mga tao.” Talagang napakamaibigin ni Jehova! Matapos disiplinahin ang kaniyang bayan, isang nalabi ang pinahintulutan niyang makabalik at makapaglingkod sa kaniya sa lupain na ibinigay niya sa kanilang mga ninuno.

  • May Tunay na Pag-asa ang mga Lingkod ni Jehova
    Ang Bantayan—2003 | Agosto 15
    • 22. Anong dalawang grupo ang naglagak ng kanilang pag-asa sa Kaharian ng Diyos?

      22 Noong 1919, ang tapat na mga pinahirang Kristiyano ay humiwalay nang lubusan sa Sangkakristiyanuhan at nagpasimulang maghayag ng mabuting balita ng Kaharian sa lahat ng bansa. (Mateo 24:14) Una, hinanap nila ang mga nalabi ng espirituwal na Israel. Pagkatapos ay sinimulang tipunin ang “ibang mga tupa,” at ang dalawang grupo ay naging “isang kawan, isang pastol.” (Juan 10:16) Bagaman naglilingkod sila ngayon sa Diyos sa 234 na lupain, ang lahat ng tapat na mananambang ito ni Jehova ay tunay na inilagay “sa pagkakaisa.” Sa ngayon, ang kulungan ng mga tupa ay “maingay dahil sa mga tao,” mga lalaki, babae, at mga bata. Ang kanilang pag-asa ay hindi sa sistemang ito ng mga bagay kundi sa Kaharian ng Diyos, na malapit nang magbigay-daan sa isang makalupang paraiso.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share