Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Aklat ng Bibliya Bilang 34—Nahum
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
    • 1. Ano ang nalalaman tungkol sa sinaunang Nineve?

      “ANG hatol laban sa Nineve.” (Nah. 1:1) Nagbubukas ang hula ni Nahum sa ganitong pagbabanta. Bakit siya gumawa ng ganitong malagim na paghatol? Ano ang nalalaman tungkol sa sinaunang Nineve? Ang kasaysayan nito ay sinuma ni Nahum sa tatlong salita: “lungsod na duguan.” (3:1) Ang dako ng sinaunang Nineve ay ipinakikilala ng dalawang burol sa silangang dalampasigan ng Ilog Tigris sa ibayo ng makabagong lungsod ng Mosul sa hilagang Iraq. Nakukutaan ito ng makakapal na pader at ng mga kanal bilang kabisera ng Imperyo ng Asirya noong huling bahagi ng kasaysayan nito. Gayunman, ang pinagmulan ng lungsod ay matutunton pabalik kay Nimrod, ang “ ‘makapangyarihang mangangaso na lumaban kay Jehova.’ . . . Siya ay napasa-Asirya at kaniyang itinayo ang Nineve.” (Gen. 10:9-11) Masama ang pasimula ng Nineve. Napabantog ito noong maghari sina Sargon, Senacherib, Esar-hadon, at Asurbanipal, sa huling yugto ng Imperyo ng Asirya. Dahil sa digmaan at pananakop ay yumaman ito mula sa mga samsam at napatanyag dahil sa malupit, makahayop na trato ng mga hari sa kanilang mga bihag.a Sinasabi ni C. W. Ceram, sa pahina 266 ng kaniyang aklat na Gods, Graves and Scholars (1954): “Ang Nineve ay napaukit sa isipan dahil sa pagpatay, pandarambong, paniniil, at pagsasamantala sa mahihina; dahil sa digmaan at lahat ng uri ng pisikal na karahasan; dahil sa uháw-sa-dugong dinastiya ng mga hari na gumamit ng sindak upang manakop at na kalimitang inililigpit ng kanilang mas mababagsik na karibal.”

  • Aklat ng Bibliya Bilang 34—Nahum
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
    • 3. (a) Papaano angkop ang kahulugan ng pangalan ni Nahum? (b) Sa anong yugto nauukol ang hula ni Nahum?

      3 Ang hula ni Nahum, bagaman maigsi, ay lubhang nakawiwili. Lahat ng nalalaman tungkol sa propeta ay nasa pambungad na talata 1:1: “Ang aklat ng pangitain ni Nahum na Elkosita.” Ang pangalan niya (Hebreo, Na·chumʹ) ay nangangahulugang “Mang-aaliw.” Ang mensahe niya ay tiyak na hindi nakaaliw sa Nineve, ngunit para sa bayan ng Diyos, nangahulugan ito ng permanenteng ginhawa mula sa walang-awa at makapangyarihang kaaway. Nakakaaliw din ang hindi pagbanggit ni Nahum sa pagkakasala ng bayan. Bagaman hindi tiyak kung nasaan ang Elkosh, waring ang hula ay sa Juda isinulat. (Nah. 1:15) Nang humula si Nahum, ang pagbagsak ng Nineve noong 632 B.C.E. ay panghinaharap pa, at inihahambing niya ito sa pagbagsak ng No-amon (Thebes, sa Ehipto) na naganap di-nagtagal pagkaraan nito. (3:8) Kaya, malamang na ang hula ay isinulat ni Nahum nang panahong yaon.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share