Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Nahum
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • NAHUM

      [Mang-aaliw [samakatuwid nga, isa na nagpapatibay-loob]].

      1. Isang propetang Israelita noong ikapitong siglo B.C.E at ang manunulat ng aklat na nagtataglay ng kaniyang pangalan. Si Nahum ay maaaring nasa Juda nang panahong itala niya ang kaniyang hula. (Na 1:15) Ang kaniyang pagiging Elkosita ay maliwanag na nangangahulugang tumatahan siya sa Elkos, posibleng isang lunsod o nayon sa Juda.​—Na 1:1; tingnan ang ELKOSITA.

  • Nahum, Aklat ng
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Yamang matagal nang nagdurusa noon ang Juda sa ilalim ng panunupil ng Asirya, ang hula ni Nahum tungkol sa napipintong pagkawasak ng Nineve ay mabuting balita. Nagsalita si Nahum na para bang naganap na ang pagbagsak ng Asirya nang isulat niya: “Narito! Nasa ibabaw ng mga bundok ang mga paa niyaong nagdadala ng mabuting balita, niyaong naghahayag ng kapayapaan. O Juda, ipagdiwang mo ang iyong mga kapistahan. Tuparin mo ang iyong mga panata; sapagkat hindi na muling daraan sa iyo ang walang-kabuluhang tao. Lubus-lubusan siyang lilipulin.” (Na 1:15) Hindi na magiging hadlang ang mga Asiryano; wala nang makapipigil sa mga Judeano sa pagdalo o pagdiriwang ng mga kapistahan. Lubusan silang ililigtas mula sa paniniil ng Asirya. (Ihambing ang Na 1:9.) Gayundin, ang lahat ng iba pang bayan na makaririnig ng tungkol sa pagkawasak ng Nineve ay “magpapalakpak ng kanilang mga kamay,” o magsasaya, dahil sa kaniyang kapahamakan, sapagkat nagdulot sa kanila ng malaking pagdurusa ang kasamaan ng lunsod.​—3:19.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share