-
Nagagalak sa Diyos ng Ating KaligtasanAng Bantayan—2000 | Pebrero 1
-
-
14-16. Ayon sa Habakuk 3:14, 15, ano ang mangyayari sa bayan ni Jehova at sa kanilang mga kaaway?
14 Sa Armagedon, yaong mga nagtatangkang lumipol sa “pinahiran” ni Jehova ay lilituhin. Ayon sa Habakuk 3:14, 15, ang propeta ay nakikipag-usap sa Diyos, na nagsasabi: “Sa pamamagitan ng kaniyang sariling mga tungkod ay inulos mo ang ulo ng kaniyang mga mandirigma nang kumilos sila nang may kapusukan upang ipangalat ako. Ang kanilang matinding galak ay gaya niyaong sa mga naghahangad na lumamon ng isang napipighati sa kubling dako. Sa dagat ay idinaan mo ang iyong mga kabayo, sa bunton ng malalawak na tubig.”
-
-
Nagagalak sa Diyos ng Ating KaligtasanAng Bantayan—2000 | Pebrero 1
-
-
16 Ngunit hindi lamang iyan ang natatanaw. Gagamitin ni Jehova ang nakahihigit-sa-taong mga puwersang espiritu upang lubusin ang pagpuksa sa kaniyang mga kaaway. Sa pamamagitan ng “mga kabayo” ng kaniyang makalangit na mga hukbo sa ilalim ni Jesu-Kristo, siya’y matagumpay na aabante sa “dagat” at sa “bunton ng malalawak na tubig,” alalaong baga, sa maligalig na masa ng mga taong kalaban niya. (Apocalipsis 19:11-21) Kung magkagayon ay lubusang aalisin mula sa lupa ang mga balakyot. Kay tinding pagtatanghal ng kapangyarihan at katarungan ng Diyos!
-