-
Hanggang Kailan Pa ang mga Balakyot?Ang Bantayan—2000 | Pebrero 1
-
-
9 Matamang nakinig si Habakuk sa karagdagang mga salita ng Diyos, na nakasaad sa Habakuk 1:6-11. Ito ang mensahe ni Jehova—at walang huwad na diyos o walang-buhay na idolo ang makahahadlang sa katuparan nito: “Narito, ibinabangon ko ang mga Caldeo, ang bansa na mapait at mapusok, na pumaparoon sa malalawak na dako sa lupa upang ariin ang mga tahanan na hindi nito pag-aari. Nakatatakot at kakila-kilabot iyon. Mula roon ay lumalabas ang sarili nitong katarungan at ang sarili nitong dangal. At ang mga kabayo nito ay mas matulin kaysa sa mga leopardo, at sila ay mas mabangis kaysa sa mga lobo sa gabi. At dinadamba ng mga pandigmang kabayo nito ang lupa, at nanggagaling sa malayo ang mga pandigmang kabayo nito. Sila ay lumilipad na parang agila na nagtutumulin upang kumain. Ang kabuuan nito ay dumarating ukol sa pandarahas. Ang pagkakatipon ng kanilang mga mukha ay gaya ng hanging silangan, at ito ay nagtitipon ng mga bihag na tulad ng buhangin. At kung tungkol dito, ito ay nangungutya ng mga hari, at ang matataas na opisyal ay katawa-tawa para rito. Kung tungkol dito, pinagtatawanan nito maging ang bawat nakukutaang dako, at nagbubunton ito ng alabok at binibihag iyon. Sa pagkakataong iyon ay hahayo nga ito nang pasulong na gaya ng hangin at daraan at magkakasala. Ang gayong kapangyarihan nito ay dahil sa kaniyang diyos.”
-
-
Hanggang Kailan Pa ang mga Balakyot?Ang Bantayan—2000 | Pebrero 1
-
-
12. Ano ang saloobin ng mga taga-Babilonya, at sa ano ‘nagkakasala’ ang mahirap-talunin na kaaway na ito?
12 Kinukutya ng hukbong Caldeo ang mga hari at pinagtatawanan ang matataas na opisyal, na pawang walang magawa upang pigilin ang walang-humpay na pagsalakay nito. ‘Pinagtatawanan nito ang bawat nakukutaang dako,’ sapagkat anumang kuta ay bumabagsak kapag ‘nagbubunton ng alabok’ ang mga taga-Babilonya sa pamamagitan ng pagtatambak ng lupa na mula roo’y sasalakayin ito. Sa itinakdang panahon ni Jehova, ang mahirap-talunin na kaaway ay ‘hahayo nga nang pasulong na gaya ng hangin.’ Sa pagsalakay sa Juda at Jerusalem, ito’y “magkakasala” ng pamiminsala sa bayan ng Diyos. Matapos ang napakabilis na tagumpay, ang kumandanteng Caldeo ay magmamalaki: ‘Ang kapangyarihang ito ay dahil sa aming diyos.’ Subalit kakatiting talaga ang kaniyang nalalaman!
-