Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Tayo’y Maging ang Uri na May Pananampalataya
    Ang Bantayan—1999 | Disyembre 15
    • 8. Bakit ang halimbawa ni Habakuk ay naging tulong sa mga Kristiyano noong unang siglo at sa kasalukuyan?

      8 Hindi alam ni Habakuk kung gaano na kalapit ang pagkawasak ng Jerusalem. Sa katulad na paraan, hindi rin alam ng mga Kristiyano noong unang siglo kung kailan magwawakas ang Judiong sistema ng mga bagay. Hindi rin naman natin alam ngayon ang “araw at oras” ng pagdating ng kahatulan ni Jehova laban sa balakyot na sistemang ito. (Mateo 24:36) Pansinin natin kung gayon ang dalawang sagot ni Jehova kay Habakuk. Una, tiniyak niya sa propeta na ang wakas ay darating sa takdang panahon. “Hindi iyon maaantala,” sabi ng Diyos, bagaman ito’y waring naaatraso, ayon sa akala ng tao. (Habakuk 2:3) Ikalawa, ipinagunita ni Jehova kay Habakuk: “Kung tungkol sa matuwid, sa pamamagitan ng kaniyang katapatan ay mananatili siyang buháy.” (Habakuk 2:4) Kay ganda at napakasimpleng mga katotohanan! Ang mahalaga ay, hindi kung kailan darating ang wakas, kundi kung patuloy tayong namumuhay nang may pananampalataya.

      9. Paano nanatiling buháy ang masunuring mga lingkod ni Jehova dahil sa kanilang katapatan (a) noong 607 B.C.E.? (b) pagkatapos ng 66 C.E.? (c) Bakit napakahalagang palakasin natin ang ating pananampalataya?

      9 Nang dambungin ang Jerusalem noong 607 B.C.E., nakita ni Jeremias, ng kaniyang kalihim na si Baruc, ni Ebed-melec, at ng matatapat na Rechabita ang katotohanan ng pangako ni Jehova kay Habakuk. Sila’y ‘nanatiling buháy’ nang makatakas sila sa kahindik-hindik na pagkawasak ng Jerusalem. Bakit? Ginantimpalaan ni Jehova ang kanilang katapatan. (Jeremias 35:1-19; 39:15-18; 43:4-7; 45:1-5) Sa katulad na paraan, tiyak na naging mahusay ang pagtugon ng mga Kristiyanong Hebreo noong unang siglo sa payo ni Pablo, sapagkat nang sumalakay ang mga hukbong Romano sa Jerusalem noong 66 C.E. at pagkatapos ay umurong sa di-maipaliwanag na dahilan, may-katapatang pinakinggan ng mga Kristiyanong iyon ang babala ni Jesus na tumakas. (Lucas 21:20, 21) Sila’y nanatiling buháy dahil sa kanilang katapatan. Gayundin naman, mananatili tayong buháy kung tayo’y masusumpungang tapat pagdating ng kawakasan. Isa ngang mahalagang dahilan para palakasin ang ating pananampalataya sa ngayon!

  • Tayo’y Maging ang Uri na May Pananampalataya
    Ang Bantayan—1999 | Disyembre 15
    • a Sinipi ni Pablo ang salin ng Septuagint sa Habakuk 2:4, na doo’y kalakip ang pariralang “kung ang sinuman ay umurong, ang aking kaluluwa ay walang kaluguran sa kaniya.” Ang pananalitang ito ay wala sa anumang umiiral na manuskritong Hebreo. Ipinahiwatig ng ilan na ang Septuagint ay ibinatay sa naunang mga manuskritong Hebreo na hindi na umiiral. Anuman ang pangyayari, inilakip ito rito ni Pablo sa ilalim ng impluwensiya ng banal na espiritu ng Diyos. Kung gayon ay awtorisado ito ng Diyos.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share