-
Aklat ng Bibliya Bilang 35—Habacuc“Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
-
-
7. Papaano inaliw ni Jehova si Habacuc?
7 Ang pangitain ng limang kaabahan (2:2-20). Sumasagot si Jehova: “Isulat mo ang pangitain, at iukit mo nang malinaw sa mga tapyas na bato.” Bagaman tila naaantala, tiyak na ito’y matutupad. Inaaliw ni Jehova si Habacuc sa mga salitang: “Ang matuwid ay mabubuhay sa kaniyang katapatan.” (2:2, 4) Ang palalong kaaway ay hindi makararating sa tunguhin, pisanin man ang mga bansa at bayan. Aba, sila mismo ang magpapahayag sa kaniya ng limang kaabahan:
-
-
Aklat ng Bibliya Bilang 35—Habacuc“Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
-
-
12. Anong kapaki-pakinabang na pagkakapit sa Habacuc 2:4 ang ginawa ni Pablo?
12 Bilang pagkilala na ang Habacuc ay kapaki-pakinabang sa pagtuturo, sinipi ni apostol Pablo ang kabanata 2, talata 4, sa tatlong iba’t-ibang pagkakataon. Sa mga Kristiyano sa Roma ay idiniin niya na ang mabuting balita ay kapangyarihan ng Diyos sa pagliligtas: “Sapagkat nahahayag ang katuwiran ng Diyos sa pananampalataya at ukol sa pananampalataya, gaya ng nasusulat: ‘Ngunit ang matuwid—sa pananampalataya’y mabubuhay siya.’ ” Sa mga taga-Galacia, idiniin ni Pablo na ang pagpapala ay dumarating dahil sa pananampalataya: “Sa batas walang sinomang matuwid sa harapan ng Diyos, sapagkat ‘ang matuwid ay mabubuhay sa pananampalataya.’ ” Sa Mga Hebreo ay sumulat din si Pablo na ang Kristiyano ay dapat magpamalas ng buháy, nagliligtas-kaluluwang pananampalataya, at muli siyang tumukoy sa mga salita ni Jehova kay Habacuc. Gayunman, hindi lamang niya sinisipi ang mga salita ni Habacuc, “ang matuwid ay mabubuhay sa pananampalataya,” kundi maging ang karagdagan niyang mga salita ayon sa Griyegong Septuagint: “Kung siya’y uurong, ang aking kaluluwa ay hindi malulugod sa kaniya.” Sinusuma niya ang lahat sa pagsasabing: Tayo “ang uri na may pananampalataya sa ikaliligtas ng kaluluwa.”—Roma 1:17; Gal. 3:11; Heb. 10:38, 39.
-