Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pinagkakaisa ng Tunay na Pagsamba ang mga Tao
    Ang Bantayan—2001 | Setyembre 15
    • Pambuong-Daigdig na Pagkakaisa sa Ating Panahon!

      Binabanggit ng isang kapansin-pansing hula sa aklat ng Bibliya na Zefanias ang tungkol sa pagsasama-sama ng mga tao na may iba’t ibang pinagmulan. Iyon ay nagsasabi: “Kung magkagayon ay ibibigay ko [ng Diyos na Jehova] sa mga bayan ang pagbabago tungo sa isang dalisay na wika, upang silang lahat ay tumawag sa pangalan ni Jehova, upang paglingkuran siya nang balikatan.” (Zefanias 3:9) Kay ganda ngang larawan ito ng mga taong nagbago na naglilingkod sa Diyos nang may pagkakaisa!

  • Pinagkakaisa ng Tunay na Pagsamba ang mga Tao
    Ang Bantayan—2001 | Setyembre 15
    • Upang pagkaisahin ang kaniyang bayan, binibigyan sila ni Jehova ng isang dalisay na wika. Kalakip sa bagong wikang ito ang wastong pagkaunawa sa katotohanan sa Bibliya tungkol sa Diyos at sa kaniyang mga layunin. Kasali sa pagsasalita ng dalisay na wika ang paniniwala sa katotohanan, pagtuturo nito sa iba, at pamumuhay na kasuwato ng mga kautusan at mga simulain ng Diyos. Hinihiling nito ang pagwawaksi sa bumabahaging pulitika at ang pag-aalis sa makasariling mga saloobin ng puso, tulad ng pagtatangi ng lahi at bumabahaging nasyonalismo na kapansin-pansin sa sanlibutang ito. (Juan 17:14; Gawa 10:34, 35) Ang lahat ng tapat-pusong tao na umiibig sa katotohanan ay maaaring matuto ng wikang ito. Isaalang-alang kung paanong ang limang tao na binanggit sa naunang artikulo​—dating magkaibang-magkaiba dahil sa relihiyon​—ay nagkakaisa na ngayon sa pagsamba sa iisa at tanging tunay na Diyos, si Jehova.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share