Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Huwag Nawang Lumaylay ang Iyong mga Kamay”
    Ang Bantayan—1996 | Marso 1
    • 11, 12. (a) Anong iba pang bahagi ng hula ni Zefanias ang natupad sa mga nalabi? (b) Papaano tinugon ng mga pinahirang nalabi ang panawagan, “Huwag nawang lumaylay ang iyong mga kamay”?

      11 Nagagalak ang tapat na mga nalabi na sila’y nakalaya noong 1919 buhat sa espirituwal na pagkabihag sa Babilonyang Dakila, ang pandaigdig na imperyo ng huwad na relihiyon. Naranasan nila ang katuparan ng hula ni Zefanias: “Humiyaw ka nang may kagalakan, O anak na babae ng Sion! Bumulalas ka sa kasiyahan, O Israel! Magsaya ka at magbunyi nang buong puso, O anak na babae ng Jerusalem! Inalis ni Jehova ang kahatulan sa iyo. Itinaboy niya ang iyong mga kaaway. Ang hari ng Israel, si Jehova, ay nasa gitna mo. Hindi mo na katatakutan pa ang kalamidad. Sa araw na iyon ay masasabi sa Jerusalem: ‘Huwag kang matakot, O Sion. Huwag nawang lumaylay ang iyong mga kamay. Si Jehova na iyong Diyos ay nasa gitna mo. Bilang Isa na makapangyarihan, siya ay magliligtas.’ ”​—Zefanias 3:14-17.

      12 Taglay ang paninindigan at saganang patotoo na si Jehova ay nasa gitna nila, walang-takot na humayo ang mga pinahirang nalabi sa pagtupad ng kanilang banal na atas. Ipinangaral nila ang mabuting balita ng Kaharian at ipinahayag ang mga kahatulan ni Jehova laban sa Sangkakristiyanuhan, sa nalalabing bahagi ng Babilonyang Dakila, at sa buong balakyot na sistema ng mga bagay ni Satanas. Sa kabila ng lahat ng kahirapan, sa nakalipas na mga dekada mula noong 1919, sinusunod nila ang banal na utos: “Huwag kang matakot, O Sion. Huwag nawang lumaylay ang iyong mga kamay.” Hindi sila naglubay sa pamamahagi ng bilyun-bilyong tract, magasin, aklat, at mga buklet na naghahayag ng Kaharian ni Jehova. Sila’y naging isang halimbawa na nakapagpapasigla ng pananampalataya para sa mga ibang tupa na, mula noong 1935, ay nagkalipumpon sa kanilang tabi.

      “Huwag Nawang Lumaylay Ang Iyong mga Kamay”

      13, 14. (a) Bakit umurong ang ilang Judio buhat sa paglilingkod kay Jehova, at papaano ito nahayag? (b) Ano ang hindi isang katalinuhan na gawin natin, at sa anong gawain hindi natin dapat na hayaang lumaylay ang ating mga kamay?

      13 Habang ‘nananatili tayong naghihintay’ sa dakilang araw ni Jehova, papaano tayo makakakuha ng praktikal na tulong buhat sa hula ni Zefanias? Una, dapat tayong mag-ingat na huwag maging gaya ng mga Judio noong kaarawan ni Zefanias na umurong buhat sa pagsunod kay Jehova dahil nag-alinlangan sila tungkol sa pagkanalalapit ng araw ni Jehova. Hindi naman laging ipinahahayag sa madla ng mga Judiong iyon ang kanilang mga pag-aalinlangan, ngunit ang kanilang landasin ng pagkilos ay nagsisiwalat na sila’y talagang hindi naniniwala na ang dakilang araw na iyan ni Jehova ay malapit na. Nagbuhos sila ng pansin sa pagkakamal ng kayamanan sa halip na manatiling naghihintay kay Jehova.​—Zefanias 1:12, 13; 3:8.

      14 Hindi ngayon ang panahon upang mag-ugat sa ating mga puso ang pag-aalinlangan. Hindi isang katalinuhan na ipagpaliban sa ating isip o puso ang pagdating ng araw ni Jehova. (2 Pedro 3:1-4, 10) Dapat nating iwasan na umurong buhat sa pagsunod kay Jehova o ‘hayaang lumaylay ang ating mga kamay’ sa paglilingkuran sa kaniya. Kasali rito ang hindi “paggawa na may kamay na walang-sikap” sa ating pangangaral ng “mabuting balita.”​—Kawikaan 10:4; Marcos 13:10.

  • “Huwag Nawang Lumaylay ang Iyong mga Kamay”
    Ang Bantayan—1996 | Marso 1
    • 16. Anong kaisipan ang taglay ng maraming miyembro ng mga simbahan ng Sangkakristiyanuhan, subalit anong pampatibay-loob ang ibinibigay sa atin ni Jehova?

      16 Ang kawalang-interes ang siyang malaganap na saloobin sa ngayon sa maraming panig ng lupa, lalo na sa mas nakaririwasang mga bansa. Maging ang mga miyembro ng mga simbahan ng Sangkakristiyanuhan ay talagang hindi naniniwala na ang Diyos na Jehova ay makikialam sa mga gawain ng tao sa ating kaarawan. Ang ating mga pagsisikap na ipaabot sa kanila ang mabuting balita ng Kaharian ay kanilang pinagkikibitan ng balikat alinman sa pamamagitan ng alanganing ngiti o ng maikling tugon na “Hindi ako interesado!” Sa ganitong mga kalagayan, talagang isang hamon ang pagtitiyaga sa gawaing pagpapatotoo. Sinusubok nito ang ating pagbabata. Subalit sa pamamagitan ng hula ni Zefanias, pinalalakas ni Jehova ang kaniyang tapat na bayan, anupat sinasabi: “Huwag nawang lumaylay ang iyong mga kamay. Si Jehova na iyong Diyos ay nasa gitna mo. Bilang Isa na makapangyarihan, siya ay magliligtas. Magbubunyi siya dahil sa iyo nang may pagsasaya. Siya’y tatahimik sa kaniyang pag-ibig. Siya’y magagalak sa iyo taglay ang maliligayang sigaw.”​—Zefanias 3:16, 17.

      17. Anong mainam na halimbawa ang dapat tularan ng mga baguhan na kabilang sa mga ibang tupa, at papaano?

      17 Isang katotohanan sa modernong-panahong kasaysayan ng bayan ni Jehova na ang mga nalabi, gayundin ang mga nakatatanda na kabilang sa mga ibang tupa, ay gumanap ng isang napakalaking gawaing pagtitipon sa mga huling araw na ito. Lahat ng tapat na mga Kristiyanong ito ay nagpakita ng pagbabata sa nakalipas na mga dekada. Hindi nila hinayaang masiraan sila ng loob dahil sa kawalang-interes ng karamihan sa Sangkakristiyanuhan. Kaya huwag nawang manghina ang loob ng mga baguhan sa mga ibang tupa dahil sa kawalang-interes sa espirituwal na mga bagay na lubhang palasak ngayon sa maraming lupain. Huwag nawa nilang hayaan na ‘lumaylay ang kanilang mga kamay,’ o magmabagal. Gamitin sana nila ang lahat ng pagkakataon upang iharap Ang Bantayan, Gumising!, at iba pang maiinam na publikasyon na pantanging dinisenyo upang tulungan ang mga taong tulad-tupa na matutuhan ang katotohanan tungkol sa araw ni Jehova at ang mga kasunod na pagpapala.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share