Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Malapit Na ang Araw ng Paghuhukom ni Jehova!
    Ang Bantayan—2001 | Pebrero 15
    • 17. Ayon sa Zefanias 1:14-16, gaano na kalapit ang araw ng paghuhukom ni Jehova?

      17 Gaano na kalapit ang dakilang araw ng paghuhukom ni Jehova? Ayon sa Zefanias 1:14-16, ang Diyos ay nagbibigay ng ganitong katiyakan: “Ang dakilang araw ni Jehova ay malapit na. Iyon ay malapit na, at iyon ay lubhang minamadali. Ang ugong ng araw ni Jehova ay mapait. Doon ay bumubulalas ng sigaw ang isang makapangyarihang lalaki. Ang araw na iyon ay araw ng poot, araw ng kabagabagan at ng panggigipuspos, araw ng bagyo at ng pagkatiwangwang, araw ng kadiliman at ng karimlan, araw ng mga ulap at ng makapal na karimlan, araw ng tambuli at ng babalang hudyat, laban sa mga nakukutaang lunsod at laban sa matataas na toreng panulok.”

  • Malapit Na ang Araw ng Paghuhukom ni Jehova!
    Ang Bantayan—2001 | Pebrero 15
    • 19, 20. (a) Ano ang ilang nangyari nang ibuhos ng Diyos ang kaniyang galit sa Juda at Jerusalem? (b) Sa pagsasaalang-alang sa mapamiling pagpuksa na napapaharap sa sistemang ito ng mga bagay, anong mga tanong ang bumabangon?

      19 Ang pagbubuhos ng Diyos sa kaniyang galit sa Juda at Jerusalem ay isang “araw ng kabagabagan at ng panggigipuspos.” Ang mga nangubkob na taga-Babilonya ay nagdulot sa mga naninirahan sa Juda ng maraming pagdurusa, lakip na ang panggigipuspos ng isip sa harap ng kamatayan at pagkapuksa. Ang ‘araw na iyon ng bagyo at ng pagkatiwangwang’ ay isa na may kadiliman, mga ulap, at makapal na karimlan, marahil ay hindi lamang makasagisag kundi literal din, sapagkat ang usok at ang mga bangkay ay nagkalat sa lahat ng dako. Iyon ay “araw ng tambuli at ng babalang hudyat,” subalit walang kabuluhan ang pagbibigay ng mga babala.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share