Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Malapit Na ang Araw ng Paghuhukom ni Jehova!
    Ang Bantayan—2001 | Pebrero 15
    • 6-8. Ano ang inihula sa Zefanias 1:4-6, at paano natupad ang hulang iyon sa sinaunang Juda?

      6 Sa paghula sa gagawin ng Diyos laban sa huwad na mga mananamba, ang Zefanias 1:4-6 ay nagsasabi: “Iuunat ko ang aking kamay laban sa Juda at laban sa lahat ng tumatahan sa Jerusalem, at lilipulin ko mula sa dakong ito ang mga nalalabi ng Baal, ang pangalan ng mga saserdote ng mga banyagang diyos pati na ang mga saserdote, at yaong mga yumuyukod sa hukbo ng langit sa ibabaw ng mga bubong, at yaong mga yumuyukod, na nananata ng mga sumpa kay Jehova at nananata ng mga sumpa sa pamamagitan ni Malcam; at yaong mga lumalayo sa pagsunod kay Jehova at hindi humahanap kay Jehova at hindi sumasangguni sa kaniya.”

  • Malapit Na ang Araw ng Paghuhukom ni Jehova!
    Ang Bantayan—2001 | Pebrero 15
    • 8 Lilipulin din ng Diyos ang mga ‘yumuyukod sa hukbo ng langit,’ na maliwanag na nagsasagawa ng astrolohiya at sumasamba sa araw. (2 Hari 23:11; Jeremias 19:13; 32:29) Ang galit ng Diyos ay pakakawalan din sa mga nagtatangkang paghaluin ang tunay na pagsamba at ang huwad na relihiyon sa pamamagitan ng ‘pananata ng mga sumpa kay Jehova at sa pamamagitan ni Malcam.’ Ang Malcam ay posibleng isa pang pangalan para kay Molec, ang pangunahing diyos ng mga Ammonita. Kalakip sa pagsamba kay Molec ang paghahain ng bata.​—1 Hari 11:5; Jeremias 32:35.

      Malapit Na ang Wakas ng Sangkakristiyanuhan!

      9. (a) Ano ang kasalanan ng Sangkakristiyanuhan? (b) Di-gaya ng mga di-tapat sa Juda, ano ang dapat nating gawin nang may determinasyon?

      9 Maaaring lubos na ipaalaala sa atin ng lahat ng ito ang tungkol sa Sangkakristiyanuhan, na punô ng huwad na pagsamba at astrolohiya. At tunay ngang kasuklam-suklam ang kaniyang papel sa pagsasakripisyo ng milyun-milyong buhay sa altar ng digmaan na suportado ng mga klero! Huwag nawa tayong maging kagaya kailanman ng mga di-tapat sa Juda, na ‘lumayo sa pagsunod kay Jehova,’ anupat nawalan ng interes at hindi na naghahanap pa sa kaniya o naghahangad ng kaniyang patnubay. Sa halip, panatilihin natin ang ating katapatan sa Diyos.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share