Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Manatili Kayong Naghihintay sa Akin”
    Ang Bantayan—1996 | Marso 1
    • 13. Anong kahatulang mensahe ang ipinahayag ni Zefanias laban sa Moab, Ammon, at Asirya?

      13 Sa pamamagitan ng kaniyang propetang si Zefanias, ipinahayag din ni Jehova ang kaniyang galit laban sa mga bansa na nagmaltrato sa kaniyang bayan. Ganito ang sabi niya: “ ‘Narinig ko ang pandurusta ng Moab at ang mapang-abusong mga salita ng mga anak ni Ammon, na kanilang ipinandusta sa aking bayan at patuloy na nag-astang mahangin laban sa kanilang teritoryo. Kaya nga, kung paanong ako’y buháy,’ ang kapahayagan ni Jehova ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel, ‘ang Moab mismo ay magiging gaya ng Sodoma, at ang mga anak ni Ammon ay gaya ng Gomorra, isang dakong pagmamay-ari ng mga kulitis, at isang hukay ng asin, at isang tiwangwang na kaguhuan, maging hanggang sa panahong walang-takda. . . . At kaniyang iuunat ang kaniyang kamay pahilaga, at kaniyang wawasakin ang Asirya. At gagawin niyang isang tiwangwang na kaguhuan ang Nineve, isang walang-tubig na pook tulad ng ilang.’ ”​—Zefanias 2:8, 9, 13.

      14. Ano ang ebidensiya na ang mga banyagang bansa ay ‘nag-astang mahangin’ laban sa mga Israelita at sa kanilang Diyos, si Jehova?

      14 Matagal nang kaaway ng Israel ang Moab at ang Ammon. (Ihambing ang Hukom 3:12-14.) Ang Batong Moabita, na nasa Louvre Museum sa Paris, ay nagtataglay ng sulat na may mapaghambog na pangungusap ng Moabitang si Haring Mesa. May pagmamapuri niyang inilahad ang pagkuha sa ilang Israelitang lunsod sa tulong ng kaniyang diyos na si Chemosh. (2 Hari 1:1) Si Jeremias, na kapanahon ni Zefanias, ay bumanggit tungkol sa pagsakop ng mga Ammonita sa Israelitang teritoryo ng Gad sa pangalan ng kanilang diyos na si Malcam. (Jeremias 49:1) Kung tungkol sa Asirya, kinubkob at sinakop ni Haring Shalmaneser V ang Samaria mga isang siglo bago ang panahon ni Zefanias. (2 Hari 17:1-6) Pagkaraan ng sandaling panahon, sinalakay ni Haring Sennacherib ang Juda, sinakop ang maraming nakukutaang mga lunsod nito, at pinagbantaan pa nga ang Jerusalem. (Isaias 36:1, 2) Talaga namang nag-astang mahangin ang tagapagsalita ng hari ng Asirya laban kay Jehova nang iginigiit ang pagsuko ng Jerusalem.​—Isaias 36:4-20.

  • “Manatili Kayong Naghihintay sa Akin”
    Ang Bantayan—1996 | Marso 1
    • 15. Papaano hihiyain ni Jehova ang mga diyos ng mga bansa na nag-astang mahangin laban sa kaniyang bayan?

      15 Binabanggit ng Awit 83 ang ilang bansa, kasali ang Moab, Ammon, at Asirya, na nag-astang mahangin laban sa Israel, at may paghahambog na nagsabi: “Halikayo at ating pawiin sila buhat sa pagiging isang bansa, upang ang pangalan ng Israel ay hindi na maalaala pa.” (Awit 83:4) May lakas ng loob na ipinahayag ni propeta Zefanias na ang lahat ng mapagmataas na mga bansang ito at ang kanilang mga diyos ay hihiyain ni Jehova ng mga hukbo. “Ito ang tataglayin nila sa halip ng kanilang pagmamapuri, sapagkat sila’y nandusta at patuloy na nag-astang mahangin laban sa bayan ni Jehova ng mga hukbo. Si Jehova ay magiging kakila-kilabot laban sa kanila; sapagkat tiyak na pangangayayatin niya ang lahat ng mga diyos sa lupa, at ang mga tao ay yuyukod sa kaniya, bawat isa buhat sa kaniyang dako, lahat ng pulo ng mga bansa.”​—Zefanias 2:10, 11.

  • “Manatili Kayong Naghihintay sa Akin”
    Ang Bantayan—1996 | Marso 1
    • 17. Kailan at papaano nagsimulang matupad sa mga bansa ang mga kahatulang mensahe ni Zefanias?

      17 Yaong mga nakinig sa babalang iyan ay hindi nagulat. Marami ang nanatiling buháy upang makita ang katuparan ng hula ni Zefanias. Noong 632 B.C.E., ang Nineve ay nasakop at nawasak ng nagsanib na mga taga-Babilonya, Medo, at ng mga pangkat buhat sa hilaga, marahil ang mga taga-Scythia. Ganito ang inilahad ng istoryador na si Will Durant: “Isang hukbo ng mga taga-Babilonya sa ilalim ni Nabopolassar ang nakiisa sa hukbo ng mga Medo sa ilalim ni Cyaxares at sa isang pangkat ng mga taga-Scythia buhat sa Caucasus, at magaan at mabilis na nabihag nila ang mga balwarte ng hilaga sa kamangha-manghang paraan. . . . Sa isang dagok ang Asirya ay nabura sa kasaysayan.” Ito ang eksaktong inihula ni Zefanias.​—Zefanias 2:13-15.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share