Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w89 6/1 p. 30-31
  • Hanapin si Jehova at Maglingkod sa Kaniya Nang Buong Puso

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Hanapin si Jehova at Maglingkod sa Kaniya Nang Buong Puso
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Malapit Na ang Araw ni Jehova
  • Posible ang Kaligtasan
  • Isang Napabalik na Bayan
  • Mga Aral Buhat sa Kasulatan: Hagai 1:1–2:23
  • Unahin ang Gawain ni Jehova
  • Buong Pusong Paglilingkod ang Kailangan
  • Aklat ng Bibliya Bilang 37—Hagai
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
  • “Manatili Kayong Naghihintay sa Akin”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1996
  • Aklat ng Bibliya Bilang 36—Zefanias
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
  • “Huwag Nawang Lumaylay ang Iyong mga Kamay”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1996
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
w89 6/1 p. 30-31

Mga Aral Buhat sa Kasulatan: Zefanias 1:1–3:20

Hanapin si Jehova at Maglingkod sa Kaniya Nang Buong Puso

MGA 50 taon bago winasak ng mga taga-Babilonya ang apostatang Juda, si Jehova, sa pamamagitan ng kaniyang propetang si Zefanias ay nagpahayag: “Aking lubos na lilipulin ang lahat ng bagay sa ibabaw ng lupa.” (1:1, 2) Subalit ipinakita rin ng Diyos sa kaniyang bayan ang paraan ng kaligtasan. (2:3; 3:9) Sa bagay na ito, ang aklat ni Zefanias ay may mahahalagang aral para sa lahat na ngayo’y nakaharap sa “digmaan ng dakilang araw ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat.”​—Apocalipsis 16:14.

Malapit Na ang Araw ni Jehova

Ngayong napakalapit na ang araw ni Jehova, sinuman na humiwalay sa Diyos ay dapat dagling manumbalik sa kaniya. Kabilang sa mga “lilipulin” ng Diyos ay “yaong mga nagsisitalikod mula sa pagsunod kay Jehova.” Sila’y tumalikod na at hindi na sila nag-iintindi ng kung ano ang kalooban ng Diyos. Anong laking panganib iyan! Dapat na ituwid iyan karakaraka.​—Zefanias 1:3-11.

Ang materyal na kayamanan ay hindi makapagbibigay ng kaligtasan sa araw ni Jehova. Ang iba na nag-aangking naglilingkod kay Jehova ay abala naman sa pagtitipon ng materyal na mga bagay, anupa’t namamaluktot na lamang sa isang komportableng posisyon. Subalit dinadaya lamang nila ang kanilang sarili! Ang kanilang materyal na kayamanan ay hindi makapagliligtas sa kanila sa “araw na iyon.”​—Zefanias 1:12-18.

Posible ang Kaligtasan

Upang makanlong pagdating ng araw ni Jehova, kailangan ang higit pa kaysa sa mababaw na kaalaman sa Kasulatan. Ang “maaamo” na “nagsigawa ng ayon sa Kaniyang kahatulan” ay pinapayuhan na ‘hanapin si Jehova, hanapin ang katuwiran, hanapin ang kaamuan.’ Sila lamang na “nagtiis hanggang wakas” ang maliligtas.​—Zefanias 2:1-3; Mateo 24:13.

Ang mga bansa na nang-aapi sa bayan ni Jehova sa ngayon ay magdaranas ng pagkapuksa. Kanilang mararanasan ang gaya ng nangyari sa Moab, Ammon, at Asirya, at sa iba pang mga bansa sa palibot ng Juda. Pagkapuksa ang naghihintay rin sa Babilonyang Dakila. (Apocalipsis 18:4-8) Anong laking pampatibay-loob ito sa atin na magpatuloy ng paghahayag ng kahatulan ng Diyos!​—Zefanias 2:4-15.

Isang Napabalik na Bayan

Inihahanda ngayon ni Jehova ang kaniyang bayan para sa kaligtasan. Iyo bang itinakuwil na ang mga ideyang maka-Babilonya at nagsimula ka nang magsalita ng “dalisay na wika” ng mahahalagang katotohanan ng Bibliya? Ikaw ba’y ‘tumawag na sa pangalan ni Jehova’ sa pamamagitan ng pag-aalay ng iyong sarili sa kaniya? Ikaw ba’y ‘nagdadala ng isang kaloob,’ samakatuwid nga, “ang bunga ng mga labi na nagpapahayag sa madla ng kaniyang pangalan”? Para makaligtas, ikaw ay kailangang maglingkod na ‘kabalikat’ ng nag-alay na bayan ni Jehova.​—Zefanias 3:1-10; Roma 10:13-15; Hebreo 13:15.

Para sa kaligtasan, kailangang hanapin natin si Jehova at ibunyi ang kaniyang banal na pangalan. Ang kahambugan, kalikuan, at mga kabulaanan ay walang dako sa gitna ng kaniyang bayan. (Efeso 4:25-32) Tanging ang mga “mapagpakumbaba at mabababang-loob” ang maliligtas pagka kaniyang pinabanal na ang kaniyang pangalan.​—Zefanias 3:11-20.

Mga Aral Buhat sa Kasulatan: Hagai 1:1–2:23

TAYO’Y dinadala ng aklat ng Hagai sa 520 B.C.E., 17 taon pagkatapos na ang nalabing Judio ay bumalik sa Jerusalem upang muling itayo ang templo ni Jehova. (Hagai 1:1) Iyon ay isang panahon upang ang bawat isa’y ilagak ang kaniyang puso sa gawain ng Diyos. Gayunman, kinailangan na si Jehova’y magsugo ng propetang si Hagai upang paalalahanan ang Kaniyang bayan ng kanilang obligasyon. Mayroon bang mga aral dito para sa atin?

Unahin ang Gawain ni Jehova

Kailanman ay huwag unahin ang materyal na mga kapakanan sa espirituwal na mga obligasyon. Ang mga Judiong nangagbalik sa kanilang sariling lupain ay may dahilan na mabahala tungkol sa kawalang-kasiguruhan ng buhay, sa napopoot na mga kalapit-bansa, at iba pa. Subalit hindi ito ang sanhi ng kanilang kapabayaan, sapagkat sila’y nasa gitna ng maluhong pamumuhay. Pagkatapos lamang na sila’y mapukaw ni Hagai nagsimula silang gumawa sa templo. Gayundin sa ngayon, kailangan na ating ‘ilagak ang ating puso sa ating dinaraanan’ at tiyakin natin na ating sinusuportahan hanggang sa sukdulang maaari ang gawain ng Diyos.​—Hagai 1:2-15.

Pinagpapala ni Jehova ang pagsisikap ng mga taong buong pusong gumagawa ng kaniyang gawain. Pagpapalain ng Diyos ang gawain ni Zerubbabel at ng iba pang mga Judio sa pagtapos sa templo, at ang kaluwalhatian nito ay makahihigit pa sa dating bahay. Ngayong “isang lubhang karamihan” ang tumutugon sa mensahe ng Kaharian sa ngayon, “ang kanais-nais na mga bagay ng lahat ng bansa” ay dumadagsa sa espirituwal na templo ni Jehova, at kaniyang ‘pinupunô ang kaniyang bahay ng kaluwalhatian.’​—Hagai 2:1-9; Apocalipsis 7:9.

Buong Pusong Paglilingkod ang Kailangan

Ang ating pagsamba ay may halaga lamang kung tayo ay malinis, ang ating mga motibo ay dalisay, at tayo’y naglilingkod kay Jehova na may sakdal na puso. Dahil sa pinabayaan ng mga Judio ang bahay ng Diyos sila ay naging marungis, subalit kaniyang pagpapalain sila sa sandaling magsimula ang gawain sa templo. Samakatuwid, kung nais nating kamtin ang pagpapala ni Jehova, kailangang ituwid natin ang lahat ng bagay na nangangailangan na bigyang-pansin at ilagak ang ating puso sa gawain niya. (Ihambing ang Bilang 19:11-13.) Habang hinihintay natin na yugyugin ng Diyos ang langit at ang lupa na magbabagsak sa mga kaharian, tayo’y sumunod sa antitipikong Zerubbabel, si Jesu-Kristo, at makibahagi nang buong puso sa gawain ni Jehova.​—Hagai 2:10-23.

[Kahon sa pahina 30]

MGA SINURING TEKSTO SA BIBLIYA

○ Zefanias 1:5​—Sina Malcam, marahil siya ring si Milcom, Molech, o Moloch, ang pangunahing diyus-diyusan ng mga Ammonita. (1 Hari 11:5, 7) Kasali sa pagsamba kay Molech ang nakasusuklam na paghahain ng bata at ito’y hinahatulan ng Kautusan.​— Levitico 20:2-5; Gawa 7:42, 43.

○ Zefanias 2:14​—Gaya ng inihula, ang iginibang mga haligi ng nailáng na Nineve at ang kanilang mga kapitel ay naging mga dako para sa mga ibon at maiilap na hayop. Ang mga ibon at malamang na ang hangin ay ‘umawit’ sa ilang na mga bintana. Ang mga pintuang-daan at maging ang mga loob ng palasyo ay nangagiba.

○ Zefanias 3:9​—Ang nagkakaisang wika ng mga tao ay hindi garantiya ng pagkakaisa, gaya ng ipinakikita ng mga digmaang naganap sa pagitan ng mga taong may iisang wika. Ang “dalisay na wika” ay ang katotohanan ng Kasulatan, “ang uliran ng mga salitang magagaling.” (2 Timoteo 1:13) Napangingibabawan nito ang pagmamataas, lumuluwalhati sa Diyos at pinagkakaisa ang lahat ng nagsasalita nito.

○ Hagai 1:6​—Palibhasa’y pinababayaan ng mga Judio ang templo ni Jehova, ang kaniyang pagpapala ay hindi sumakanila. Sa gayon, marami ang kanilang naihasik subalit kakaunti ang kanilang inani at naging kapos sila sa pagkain at inumin upang tumustos sa kanilang pangangailangan. Ang kanilang pananamit ay kapos o hindi mabuting uri upang makasangga sa kaginawan, at ang mga naghahanap-buhay ay waring sa isang supot ng salaping punô ng butas naglalagay ng kanilang pera. Huwag nating tularan ang mga Judiong iyon, huwag nating pabayaan kailanman ang mga kapakanan ng Diyos.​—Kawikaan 10:22; Nehemias 10:39.

○ Hagai 2:9​—Samantalang “ang dating” templo, na itinayo ni Solomon, ay tumayo nang may 420 taon, ang “huling bahay” ay ginamit nang may 584 na taon (515 B.C.E.-70 C.E.). Kaya’t ang ikalawang templo ay lumagi nang mas matagal. Lalong maraming mga mananamba ang humugos dito, tulad baga noong Pentecostes 33 C.E., nang ang mga Judio at mga proselita ay nagkatipon dito galing sa kabila pa roon ng Judea. Isa pa, ang Mesiyas, si Jesu-Kristo, ay nagturo sa “huling bahay.” Ang mga bagay na ito ang nagbigay rito ng lalong higit na kaningningan bilang dako ng pagsamba.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share