-
“Patuloy Mong Panghawakang Mahigpit ang Iyong Taglay”Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
-
-
12. Bakit malamang na magigitla ang mga miyembro ng sinagogang Judio sa Filadelfia kapag nalaman nilang ang ilan sa kanila ay “yuyukod” sa Kristiyanong komunidad sa lugar nila?
12 Malamang na magigitla ang mga miyembro ng sinagogang Judio sa Filadelfia kapag nalaman nilang ang ilan sa kanila ay ‘mangangayupapa’ sa Kristiyanong komunidad sa lugar nila. Palibhasa’y maraming di-Judio ang tiyak na nasa kongregasyong iyan, kabaligtaran ang inaasahan ng mga Judio na mangyayari. Bakit? Sapagkat inihula ni Isaias: “[Ang di-Judiong] mga hari ay magiging mga tagapag-alaga para sa iyo [ang bayan ng Israel], at ang kanilang mga prinsesa ay mga yayang babae para sa iyo. Yuyukod sila sa iyo habang ang mga mukha ay nakaharap sa lupa.” (Isaias 49:23; 45:14; 60:14) Sa ganito ring diwa, si Zacarias ay kinasihang sumulat: “Mangyayari sa mga araw na iyon na sampung lalaki [mga di-Judio] mula sa lahat ng wika ng mga bansa ang tatangan, oo, tatangan sila sa laylayan ng lalaki na isang Judio, na sinasabi: ‘Yayaon kaming kasama ninyo, sapagkat narinig namin na ang Diyos ay sumasainyo.’” (Zacarias 8:23) Oo, ang mga di-Judio ang yuyukod sa mga Judio at hindi ang kabaligtaran!
-
-
“Patuloy Mong Panghawakang Mahigpit ang Iyong Taglay”Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
-
-
14. Paano kapansin-pansing natupad ang Isaias 49:23 at Zacarias 8:23 sa makabagong panahon?
14 Sa makabagong panahon, nagkaroon ng kapansin-pansing katuparan ang mga hulang gaya ng Isaias 49:23 at Zacarias 8:23. Dahil sa pangangaral ng uring Juan, napakaraming pumasok sa bukás na pinto ng paglilingkod sa Kaharian.b Ang karamihan sa kanila ay nagsilabas sa Sangkakristiyanuhan, na binubuo ng mga relihiyong may-kasinungalingang nag-aangkin na sila ang espirituwal na Israel. (Ihambing ang Roma 9:6.) Nilabhan ng mga kabilang sa malaking pulutong ang kanilang mahahabang damit at pinaputi ang mga ito sa pamamagitan ng pananampalataya sa dugong inihain ni Jesus. (Apocalipsis 7:9, 10, 14) Palibhasa’y nagpapasakop sa pamamahala ng Kaharian ni Kristo, umaasa silang magmana ng mga pagpapala nito sa lupa. Pumaparoon sila sa pinahirang mga kapatid ni Jesus at ‘yumuyukod’ sa kanila sa espirituwal na diwa, sapagkat ‘narinig nila na ang Diyos ay sumasakanila.’ Pinaglilingkuran nila ang mga pinahirang ito, at nakikipagkaisa sila sa mga ito sa pandaigdig na samahan ng magkakapatid.—Mateo 25:34-40; 1 Pedro 5:9.
-