Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Megido
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Estratehiko. Palibhasa’y nasa estratehikong lokasyon na ito na nakatunghay at prominente sa matabang kanluraning seksiyon ng Libis ng Jezreel (Kapatagan ng Esdraelon, kilalá rin bilang “kapatagang libis ng Megido”; 2Cr 35:22; Zac 12:11), madaling nakokontrol ng Megido ang mga pangunahing rutang pangkalakalan at pangmilitar na nagsasalubong doon. Kapuwa ang Bibliya at ang sekular na mga rekord ay naglalahad ng mahahalagang pagbabaka na pinaglabanan ng mga hukbo ng maraming bansa sa palibot ng Megido dahil sa estratehikong posisyon nito. Malapit sa lugar na ito “sa tabi ng tubig ng Megido,” tinalo ni Hukom Barak ang malalakas na hukbo ni Jabin na pinamumunuan ni Sisera at may 900 karo na kinabitan ng mga lingkaw na bakal. (Huk 4:7, 13-16; 5:19) Sa Megido namatay si Haring Ahazias ng Juda matapos siyang masugatan nang malubha malapit sa Ibleam dahil sa utos ni Jehu. (2Ha 9:27) Sa Megido nasugatan at namatay si Haring Josias ng Juda nang tangkain niyang pigilan ang hukbong Ehipsiyo na pinamumunuan ni Paraon Necoh noong humahayo ito upang tulungan ang mga Asiryano sa may ilog ng Eufrates.​—2Ha 23:29, 30; 2Cr 35:22.

  • Megido
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Ang hula ni Zacarias (12:11) ay bumabanggit ng ‘matinding paghagulhol’ na nangyari “sa kapatagang libis ng Megido.” Maaaring ito’y tumutukoy sa panaghoy para kay Haring Josias, na napatay roon sa pagbabaka. (2Ha 23:29, 30) Naiiba nang kaunti ang Hebreong baybay ng Megido sa aklat ng Zacarias. Sa halip na ang karaniwang Hebreong baybay na Meghid·dohʹ, ang naroroon ay Meghid·dohnʹ, isang pinahabang anyo na katulad niyaong nasa Apocalipsis 16:16.​—Tingnan ang HAR–MAGEDON.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share