Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ang Dumarating na Wakas ng “Aklat ng mga Digmaan ni Jehova”
    Ang Bantayan—1990 | Hulyo 1
    • 17. Sino ang susuguin ni Jehova upang makipagbaka bilang kumakatawan sa kaniyang pangalan, at sa gayo’y ano ang ipakikita niya sa lahat ng bansa ngayon?

      17 Sa takdang panahon, susuguin ng Diyos na Jehova si Jesu-Kristo, ang Lalong-dakilang Melquisedec, bilang isang makapangyarihang mandirigma. Sa pamamagitan niya, si Jehova’y gagawa ng pangalan para sa kaniyang sarili na anupa’t nakahihigit pa kaysa ano pa man noong nakalipas ayon sa pagkalahad sa aklat ng Mga Digmaan ni Jehova o sa Kasulatang Hebreo ng Banal na Bibliya. Sa huling kabanata ng pangalawa-sa-huling aklat ng Kasulatang Hebreo, isang sama-samang pag-atake ng mga bansa laban sa Jerusalem ang inihula. Pagkatapos, sang-ayon sa Zacarias 14:3, “Si Jehova ay tunay na lalabas at makikidigma laban sa mga bansang iyon gaya sa araw ng kaniyang pakikidigma, sa araw ng pagbabaka.” Sa ganitong paraan ang Diyos ng Bibliya ay magtatanghal sa lahat ng modernong mga bansa na siya pa rin ang Diyos na mandirigma gaya noong mga kaarawan ng sinaunang Israel.

  • Ang Dumarating na Wakas ng “Aklat ng mga Digmaan ni Jehova”
    Ang Bantayan—1990 | Hulyo 1
    • 21. (a) Bakit ang mga salita ni Jahaziel ay magugunita sa napipintong pag-atake sa makalangit na Jerusalem? (b) Ano ang magiging resulta ng labanang iyon?

      21 Nang panahong iyon, ang nakapagpapatibay-pananampalatayang mga salita ni Jahaziel na Levita ay magugunita: “Kayo’y hindi na kakailanganing makipaglaban sa labanang ito. Magsilagay kayo sa inyu-inyong puwesto, magsitayo kayong panatag at tingnan ninyo ang pagliligtas sa inyo ni Jehova. Oh Juda at Jerusalem, huwag kayong matakot o mangilabot man. Bukas ay magsilabas kayo laban sa kanila, at si Jehova ay sasa-inyo.” (2 Cronica 20:17) Oo, sa buong panahong iyon ng panganib, si Jehova ay sasa-kaniyang bayan. Ang kanilang kaligtasan at hindi pagkapahamak ay depende sa kaniyang pakikipaglaban para sa kanila. At siya’y makikipaglaban, sa pamamagitan ng kaniyang mandirigmang Hari, si Jesu-Kristo! Ang resulta? Ang lubos na pagkalipol ng nakikitang organisasyon ng Diyablo sa lupa.​—Apocalipsis 19:11-21.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share