Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Manatili sa Libis ni Jehova Para sa Proteksiyon
    Ang Bantayan—2013 | Pebrero 15
    • 8. (a) Sa Bibliya, saan sumasagisag kung minsan ang mga bundok? (b) Saan kumakatawan ang “bundok ng mga punong olibo”?

      8 Yamang ang Jerusalem​—“ang lunsod”​—ay makasagisag at kumakatawan sa makalangit na Jerusalem, ang “bundok ng mga punong olibo, na nasa tapat ng Jerusalem,” ay tiyak na makasagisag din. Saan kumakatawan ang bundok na ito? Paano ito “mabibiyak sa gitna” at magiging dalawang bundok? Bakit ito tinukoy ni Jehova bilang “aking mga bundok”? (Basahin ang Zacarias 14:3-5.) Sa Bibliya, ang mga bundok ay maaaring sumagisag sa mga kaharian, o gobyerno. Iniuugnay rin sa bundok ng Diyos ang mga pagpapala at proteksiyon. (Awit 72:3; Isa. 25:6, 7) Kaya ang bundok ng mga punong olibo na kinatatayuan ng Diyos sa silangan ng makalupang Jerusalem ay kumakatawan sa pansansinukob na soberanya ni Jehova, ang kaniyang kataas-taasang pamamahala.

  • Manatili sa Libis ni Jehova Para sa Proteksiyon
    Ang Bantayan—2013 | Pebrero 15
    • NAGSIMULA ANG PAGTAKAS PATUNGO SA LIBIS!

      11, 12. (a) Kailan nagsimula ang pagtakas patungo sa makasagisag na libis? (b) Ano ang katibayan na ipinagsasanggalang ng makapangyarihang bisig ni Jehova ang kaniyang bayan?

      11 Nagbabala si Jesus sa kaniyang mga tagasunod: “Kayo ay magiging mga tudlaan ng pagkapoot ng lahat ng mga bansa dahil sa aking pangalan.” (Mat. 24:9) Tumindi ang pagkapoot na iyon mula noong 1914 nang magsimula ang mga huling araw ng sistemang ito ng mga bagay. Sa kabila ng marahas na mga pagsalakay ng kaaway sa pinahirang nalabi noong Digmaang Pandaigdig I, hindi nalipol ang tapat na grupong ito. Noong 1919, napalaya sila mula sa Babilonyang Dakila​—ang pandaigdig na imperyo ng huwad na relihiyon. (Apoc. 11:11, 12)a Nang taóng iyon nagsimula ang pagtakas patungo sa libis ng mga bundok ni Jehova.

      12 Mula noong 1919, ang libis na iyon ng Diyos ay nagbibigay ng proteksiyon sa tunay na mga mananamba sa buong lupa. Sa nakalipas na mga dekada sa maraming lugar sa daigdig, ipinagbawal ang ministeryo at mga literatura sa Bibliya ng mga Saksi ni Jehova. Ganiyan pa rin ang sitwasyon sa ilang bansa. Pero anuman ang gawin ng mga pamahalaan, hindi nila kailanman mapapawi ang tunay na pagsamba! Tiyak na ipagsasanggalang ng makapangyarihang bisig ni Jehova ang kaniyang bayan.​—Deut. 11:2.

      13. Paano tayo mananatili sa libis ni Jehova para sa proteksiyon? Bakit napakahalagang manatili tayo rito ngayon higit kailanman?

      13 Kung tapat tayo kay Jehova at naninindigan sa katotohanan, mananatili tayo sa libis ni Jehova para sa proteksiyon. Hindi hahayaan ng Diyos at ng kaniyang Anak, si Jesu-Kristo, na ‘maagaw tayo ng sinuman o anuman mula sa Kaniyang kamay.’ (Juan 10:28, 29) Ibibigay ni Jehova ang anumang tulong na kailangan natin para makapanatili tayong tapat sa kaniyang Pansansinukob na Soberanya at sa Mesiyanikong Kaharian. Napakahalagang manatili tayo sa libis ng proteksiyon, lalo na’t papalapit na ang malaking kapighatian.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share