Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pagbuhay-Muli sa Dalawang Saksi
    Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
    • 10. Ano ang gagawin ng tapat na mga saksi ni Jehova kahit na niyuyurakan sila?

      10 Kahit niyuyurakan sila, nananatiling tapat kay Jehova ang mga saksing ito. Kaya nagpapatuloy ang hula: “‘At ang aking dalawang saksi ay pangyayarihin kong manghula nang isang libo dalawang daan at animnapung araw na nadaramtan ng telang-sako.’ Ang mga ito ay isinasagisag ng dalawang punong olibo at ng dalawang kandelero na nakatayo sa harap ng Panginoon ng lupa.”​—Apocalipsis 11:3, 4.

  • Pagbuhay-Muli sa Dalawang Saksi
    Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
    • 13. (a) Ano ang ipinahihiwatig ng bagay na ang mga pinahirang Kristiyano ay isinasagisag ng dalawang saksi? (b) Anong hula ni Zacarias ang naaalaala natin dahil sa pagtukoy ni Juan sa dalawang saksi bilang ‘dalawang punong olibo at dalawang kandelero’?

      13 Ang bagay na isinasagisag sila ng dalawang saksi ay tumitiyak sa atin na tumpak at may matatag na saligan ang kanilang mensahe. (Ihambing ang Deuteronomio 17:6; Juan 8:17, 18.) Tinutukoy sila ni Juan bilang ‘dalawang punong olibo at dalawang kandelero,’ at sinasabing “nakatayo [sila] sa harap ng Panginoon ng lupa.” Maliwanag na pagtukoy ito sa hula ni Zacarias, na nakakita ng isang kandelero na may pitong sanga at dalawang punong olibo. Sinasabing lumalarawan ang mga punong olibo sa “dalawang pinahiran,” samakatuwid nga, kay Gobernador Zerubabel at sa mataas na saserdoteng si Josue, na “nakatayo sa tabi ng Panginoon ng buong lupa.”​—Zacarias 4:1-3, 14.

      14. (a) Ano ang ipinahiwatig ng pangitain ni Zacarias hinggil sa dalawang punong olibo? at hinggil sa kandelero? (b) Ano ang mararanasan ng mga pinahirang Kristiyano sa panahon ng unang digmaang pandaigdig?

      14 Nabuhay si Zacarias noong panahon ng muling pagtatayo, at ang kaniyang pangitain tungkol sa dalawang punong olibo ay nangangahulugang pagpapalain ni Jehova ng kaniyang espiritu sina Zerubabel at Josue upang palakasin ang bayan ukol sa gawain. Ang pangitain tungkol sa kandelero ay nagpaalaala kay Zacarias na hindi niya dapat ‘hamakin ang araw ng maliliit na bagay’ sapagkat ang mga layunin ni Jehova ay isasakatuparan​—“‘hindi sa pamamagitan ng hukbong militar, ni sa pamamagitan man ng kapangyarihan, kundi sa pamamagitan ng aking espiritu,’ ang sabi ni Jehova ng mga hukbo.” (Zacarias 4:6, 10; 8:9) Ang maliit na grupo ng mga Kristiyano na matiyagang naghatid ng liwanag ng katotohanan sa sangkatauhan noong unang digmaang pandaigdig ay gagamitin din naman sa isang gawain ng muling pagtatayo. Pagmumulan din sila ng pampatibay-loob at, yamang kakaunti lamang sila noon, matututuhan nilang manalig sa lakas ni Jehova, anupat hindi hinahamak ang araw ng maliliit na pasimula.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share