-
Aklat ng Bibliya Bilang 38—Zacarias“Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
-
-
12. Anong pampasigla at katiyakan ang ibinibigay tungkol sa pagtatayo ng templo?
12 Ikalimang pangitain: Ang kandelero at mga punong olibo (4:1-14). Ginising ng anghel si Zacarias at ipinakita ang gintong kandelero na may pitong ilaw sa gitna ng dalawang punong olibo. Narinig niya ang salita ni Jehova kay Zorobabel: ‘Hindi sa tulong ng hukbong pandigma, ni ng kapangyarihan, kundi ng espiritu ng Diyos.’ Isang “malaking bundok” ang papatagin sa harap ni Zorobabel at ilalabas ang pangulong bato ng templo kasabay ng sigaw na: “Kahali-halina! Kahali-halina!” Si Zorobabel ang naglatag ng pundasyon ng templo, at siya ang tatapos sa gawain. Ang pitong ilaw ay mga mata ni Jehova na “gumagala sa buong lupa.” (4:6, 7, 10) Ang dalawang punong olibo ay ang dalawang pinahiran ni Jehova.
-
-
Aklat ng Bibliya Bilang 38—Zacarias“Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
-
-
23. Papaano nagpapatibay-pananampalataya ang ulat ni Zacarias?
23 Lahat ng nag-aaral at nagbubulay sa hula ni Zacarias ay makikinabang sa nagpapatibay-pananampalatayang kaalaman. Mahigit 50 beses itinatawag-pansin ni Zacarias na si “Jehova ng mga hukbo” ang nakikipagbaka at nagsasanggalang sa Kaniyang bayan at pinupuspos sila ng kapangyarihan ayon sa pangangailangan. Nang ang pagtatayo ng templo ay pagbantaan ng ga-bundok na pagsalansang, si Zacarias ay nagpahayag: “Sinabi ni Jehova kay Zorobabel, ‘ “Hindi sa pamamagitan ng hukbong pandigma, ni ng kapangyarihan, kundi sa pamamagitan ng aking espiritu,” sabi ni Jehova ng mga hukbo. Nasaan ka, O malaking bundok? Sa harapan ni Zorobabel ikaw ay magiging kapatagan.’ ” Natapos ang templo sa tulong ng espiritu ni Jehova. Sa ngayon, maglalaho din ang mga hadlang kung may pananampalataya kay Jehova. Gaya ito ng sinabi ni Jesus sa mga alagad: “Kung may pananampalataya kayo na sinlaki ng butil ng mustasa, masasabi ninyo sa bundok na ito, ‘Lumipat ka roon,’ at ito ay lilipat, at walang hindi mangyayari sa inyo.”—Zac. 4:6, 7; Mat. 17:20.
-