Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ikaw at ang mga Pangitain ni Zacarias
    Ang Bantayan (Pag-aaral)—2017 | Oktubre
    • 16. (a) Ano ang ginawa sa lalagyan na epa? (Tingnan ang larawan 3 sa simula ng artikulo.) (b) Saan dinala ng mga babaeng may pakpak ang lalagyan na epa?

      16 Pagkatapos, nakakita si Zacarias ng dalawang babae na may mga pakpak na gaya ng sa siguana. (Basahin ang Zacarias 5:9-11.) Ibang-iba ang mga babaeng ito sa babaeng nasa loob ng lalagyan! Ginagamit ng mga babaeng ito ang kanilang malalakas na pakpak para kunin at iangat ang lalagyang naglalaman ng “Kabalakyutan.” Saan nila ito dadalhin? Ang Kabalakyutan ay dinala sa “lupain ng Sinar,” o Babilonya. Pero bakit doon?

      17, 18. (a) Bakit ang Sinar ang “wastong dako” para manirahan ang “Kabalakyutan”? (b) Ano ang dapat nating maging determinasyon tungkol sa kabalakyutan?

      17 Para sa mga Israelita noong panahon ni Zacarias, angkop na lugar ang Sinar para doon ilagay ang Kabalakyutan. Alam ni Zacarias at ng mga Judio noon na ang Babilonya ay lugar ng kabalakyutan, o matinding kasamaan. Lumaki sila sa paganong lunsod na iyon, na punô ng imoralidad at idolatriya, at kailangan nilang labanan ang impluwensiya nito araw-araw. Kay laking ginhawa nga ng pangitaing iyon sa kanila—isang katiyakan na pananatilihing malinis ni Jehova ang dalisay na pagsamba!

      18 Pero ipinaalaala rin ng pangitain sa mga Judio na may pananagutan silang panatilihing dalisay ang kanilang pagsamba. Hindi puwedeng makapasok at manatili ang kabalakyutan sa gitna ng bayan ni Jehova. Dahil inakay tayo ng Diyos sa kaniyang malinis na organisasyon, kung saan binibigyan tayo ng kalinga at proteksiyon, pananagutan nating panatilihing malinis ang ating “bahay.” Ginagawa ba natin ito? Hindi dapat makapasok sa ating espirituwal na paraiso ang anumang uri ng kasamaan.

  • Ikaw at ang mga Pangitain ni Zacarias
    Ang Bantayan (Pag-aaral)—2017 | Oktubre
Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share