Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ang Pagsubok at Pagsalà sa Modernong Panahon
    Ang Bantayan—1987 | Hunyo 15
    • Ang Pagsubok at Pagsalà sa Modernong Panahon

      “Sino ang makatitiis sa araw ng kaniyang pagparito, at sino ang tatayo pagka siya’y napakita?”​—MALAKIAS 3:2.

      1. Nang si Jehova’y dumating sa espirituwal na templo sa modernong panahon, ano ang kaniyang nasumpungan, na nagbangon ng anong tanong?

      NANG “ang tunay na Panginoon” ay dumating sa espirituwal na templo kasama ang kaniyang “sugo ng tipan,” hindi nagtagal pagkatapos na maitatag na ang Kaharian sa langit noong 1914, ano ang nasumpungan ni Jehova? Ang kaniyang bayan ay nangangailangan noon na dalisayin at linisin. Kanila bang tatanggapin ito at matitiis nila ang anumang kinakailangang paglilinis ng kanilang organisasyon, aktibidad, doktrina, at asal? Gaya ng pagkasabi ni Malakias: “Sino ang makatitiis sa araw ng kaniyang pagparito, at sino ang tatayo pagka siya’y napakita?”​—Malakias 3:1, 2.

  • Ang Pagsubok at Pagsalà sa Modernong Panahon
    Ang Bantayan—1987 | Hunyo 15
    • 3. Sa tag-init ng 1918, ano ba ang kalagayan ng mga saksi ng Diyos?

      3 Nang si Jehova’y kasama ng kaniyang “sugo ng tipan” na pumaroon sa espirituwal na templo, Kaniyang nasumpungan ang nalabi na nangangailangan ng pagdalisay at paglilinis. Halimbawa, hinihimok ng The Watch Tower ang kaniyang mga mambabasa na ipangilin ang Mayo 30, 1918, bilang isang araw ng pananalangin sa pagtatagumpay ng mga bansang demokratiko, gaya ng hinihiling ng kongreso ng E.U. at ni Pangulong Wilson. Ito’y isang paglabag sa pagkaneutral ng Kristiyano.​—Juan 17:14, 16.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share