-
Mga Tanong Mula sa mga MambabasaAng Bantayan—2014 | Nobyembre 15
-
-
Kapansin-pansin na iniuugnay ng Apocalipsis 11:1, 2 ang mga pangyayaring ito sa isang yugto ng panahon kung kailan susukatin, o susuriin, ang espirituwal na templo. Binabanggit sa Malakias kabanata 3 ang isang katulad na pagsisiyasat sa espirituwal na templo, na sinundan ng panahon ng paglilinis. (Mal. 3:1-4) Gaano katagal ang pagsisiyasat at paglilinis na ito? Ito ay mula noong 1914 hanggang sa mga unang buwan ng 1919. Saklaw ng yugtong ito kapuwa ang 1,260 araw (42 buwan) at ang makasagisag na tatlo at kalahating araw na binabanggit sa Apocalipsis kabanata 11.
-