Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isang Panahon ng Pagsubok at Pagsalà
    Ang Bantayan—1987 | Hunyo 15
    • Isang Panahon ng Pagsubok at Pagsalà

      “At biglang darating sa Kaniyang templo ang tunay na Panginoon, na inyong hinahanap, at ang sugo ng tipan . . . At siya’y uupo gaya ng mangdadalisay at maglilínis.”​—MALAKIAS 3:1, 3.

  • Isang Panahon ng Pagsubok at Pagsalà
    Ang Bantayan—1987 | Hunyo 15
    • 3. Ano ang paraan ng pagdalisay noong sinaunang panahon?

      3 Subalit, una, bakit inilalantad ni Jehova ang kaniyang bayan sa pagsubok at pagsalà? Bilang “ang tagasubok ng mga puso,” nilayon niya na dalisayin ang kaniyang organisadong bayan. (Kawikaan 17:3; Awit 66:10) Noong sinaunang panahon ayon sa Bibliya sa pagdalisay ay kailangan na painitin ang isang metal hanggang sa matunaw at pagkatapos ay hapawin ang mga dumi, o sukal. Ating mababasa: “Ang taga-dalisay ay nagbabantay sa ginagawang iyon, nakatayo o dili kaya’y nakaupo, at taglay ang buong sikap, hanggang sa . . . ang [likidong] metal ay nasa anyo ng isang lubhang-makintab na salamin, at makikita roon ang wangis ng lahat ng bagay na nasa palibot niyaon; maging ang taga-dalisay man, pagka tumingin siya sa metal na iyon, ay makikita niya ang kaniyang sarili na gaya ng isang nanalamin, at sa ganoo’y makabubuo siya ng isang tamang-tamang paghatol tungkol sa kadalisayan ng metal. Kung siya’y nasisiyahan na, ang apoy ay pinapatay, at inaalis sa hurno ang metal; subalit kung hindi pa masasabing dalisay na iyon, higit pang tingga ang inilalagay at inuulit ang pagdalisay.” (Cyclopedia of Biblical, Theological, and Ecclesiastical Literature, ni J. McClintock at J. Strong) Ang gayong dinalisay na ginto o pilak ay lalong mahalaga.​—Ihambing ang Apocalipsis 3:18.

      4. Bakit pinapayagan ni Jehova na subukin at salain ang kaniyang mga lingkod?

      4 Pinapayagan ni Jehova na subukin at salain ang kaniyang mga lingkod upang sila’y dalisayin o linisin, upang tulungan sila na sa kanila’y masalamin nang lalong husto ang kaniyang wangis. (Efeso 5:1) Sa pagdalisay, kaniyang hinahapaw ang sukal sa pamamagitan ng pag-aalis ng maruruming turo at gawain. (Isaias 1:25) Kaniyang sinasala at pinatatalsik mula sa kaniyang bayan yaong mga tumatangging sila’y dalisayin at “sanhi ng pagkatisod at mga taong gumagawa ng katampalasanan.” Ito’y humahawi ng daan upang “ang mga anak ng kaharian,” ang espirituwal na mga Israelita, ay sumikat nang buong kaningningan upang ang isang makalupang uri ay matipon din naman at sumama sa kanila sa organisasyon para makaligtas.​—Mateo 13:38, 41, 43; Filipos 2:15.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share