Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Aklat ng Bibliya Bilang 39—Malakias
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
    • 3. Ano ang nagpapahiwatig na ang Malakias ay isinulat pagkaraaan ng 443 B.C.E.?

      3 Kailan isinulat ang hula? Yao’y noong namamahala ang isang gobernador, kaya tumatama ito sa panahon ng pagsasauli ng Jerusalem pagkaraan ng 70-taóng pagkawasak ng Juda. (Mal. 1:8) Ngunit sinong gobernador? Yamang binabanggit ang paglilingkod sa templo ngunit hindi tinutukoy ang pagtatayo nito, malamang na ito ay pagkaraan ni Gobernador Zorobabel, sapagkat noon natapos ang pagtatayo ng templo. Sa panahong ito, walang ibang gobernador na binabanggit sa Kasulatan kundi si Nehemias. Tumatapat ba ang hula sa panahon niya? Walang binabanggit tungkol sa muling pagtatayo ng Jerusalem at ng pader nito, kaya hindi ito isinulat sa pasimula ng pagiging-gobernador ni Nehemias. Ngunit marami itong sinasabi hinggil sa pagmamalabis ng mga saserdote, kaya ang Malakias ay iniuugnay sa sitwasyon na umiral nang magbalik uli si Nehemias sa Jerusalem, matapos na siya ay muling ipatawag ni Artajerjes sa Babilonya noong 443 B.C.E., ang ika-32 taon ng paghahari nito. (Mal. 2:1; Neh. 13:6) Gaya ng makikita sa magkakahawig na talata ng Malakias at Nehemias, ang hula ay kapit sa mismong panahong yaon.​—Mal. 2:4-8, 11, 12​—Neh. 13:11, 15, 23-26; Mal. 3:8-10​—Neh. 13:10-12.

  • Aklat ng Bibliya Bilang 39—Malakias
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
    • 8. Papaano dinumhan ng mga saserdote ang dulang ni Jehova, at bakit darating sa kanila ang sumpa?

      8 Hinarap ni Jehova ang ‘mga saserdoteng tumutuya sa kaniyang pangalan.’ Palibhasa nagmamatuwid-sa-sarili, pinipintasan ni Jehova ang kanilang bulag, pilay, at may-sakit na mga hain, at nagtanong siya, Tatanggapin ba ito ng gobernador? Si Jehova mismo ay hindi nalulugod. Dapat itanghal ang pangalan niya sa mga bansa, ngunit hinahamak nila siya sa pagsasabing: “Marumi ang dulang ni Jehova.” Darating ang sumpa sapagkat may-katusuhan nilang tinalikdan ang kanilang panata at naghandog ng mga haing walang-kabuluhan. “ ‘Ako’y dakilang Hari,’ sabi ni Jehova ng mga hukbo, ‘at ang aking pangalan ay magiging kakila-kilabot sa mga bansa.’ ”​—1:6, 12, 14.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share