Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan—1994 | Agosto 15
    • Kung mapinsala ang ugat, madarama ng nalalabing bahagi ng punungkahoy ang epekto nito. (Ihambing ang Mateo 3:10; 13:6.) Kaugnay dito, si Malakias ay sumulat: “‘Ang araw na dumarating ay tunay na lalamon sa kanila,’ ang sabi ni Jehova ng mga hukbo, ‘anupat hindi mag-iiwan sa kanila ng kahit ugat ni sanga man.’ ” (Malakias 4:1) Maliwanag ang kahulugan​—ang lubusang pagkaputol. Ang mga magulang (mga ugat) ay mapuputol, gayundin ang kanilang mga supling (mga sanga).a Idiniriin nito ang pananagutan ng mga magulang sa kanilang mga anak na menor de edad; ang walang-hanggang kinabukasan ng mga anak na menor de edad ay nakasalalay sa katayuan ng kanilang mga magulang sa harap ng Diyos.​—1 Corinto 7:14.

      Ang pananalita sa Isaias 37:31 at Malakias 4:1 ay batay sa katotohanan na ang buhay ng mga sanga (at ang bunga ng mas maliliit na sanga) ay nanggagaling sa ugat. Ito ang susi sa pag-unawa kung papaanong si Jesus ang “ugat ni Jesse” at ang “ugat ni David.”

  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan—1994 | Agosto 15
    • a Isang sinaunang sulat sa paglilibing sa Fenicia ang gumamit ng nahahawig na pananalita. Sinabi nito tungkol sa sinumang magbukas ng libingan: “Huwag nawa silang magkaroon ng ugat sa ilalim o ng bunga sa itaas!”​—Vetus Testamentum, Abril 1961.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share