Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Aklat ng Bibliya Bilang 39—Malakias
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
    • 12. Ano ang inihula tungkol sa kakila-kilabot na araw ni Jehova?

      12 Ang dakila at kakila-kilabot na araw ni Jehova (4:1-6). Ito ang dumarating na araw ng paglipol sa mga balakyot, hanggang sa walang maiwang ugat ni sanga. Ngunit ang araw ng katuwiran ay sisikat sa mga natatakot sa pangalan ni Jehova, at sila ay pagagalingin. Pinapayuhan sila ni Jehova na alalahanin ang Kautusan ni Moises. Bago ang kaniyang dakila at kakila-kilabot na araw, nangako si Jehova na isusugo si Elias na propeta. “Ibabaling niya ang puso ng mga anak sa kanilang mga ama; kung hindi’y mapipilitan akong pumarito upang hampasin ng kapahamakan ang lupa.”​—4:6.

  • Aklat ng Bibliya Bilang 39—Malakias
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
    • 15. Sino ang “Elias” sa hula ni Malakias?

      15 Pagkatapos, sa Malakias 4:5, 6, ay nangako si Jehova. “Isinusugo ko sa inyo si Elias na propeta.” Sino ang “Elias” na ito? Si Jesus at ang anghel na nagpakita kay Zacarias ay nagkapit ng mga salitang ito kay Juan na Tagapagbautismo, at ipinakita na siya ang “magsasauli ng lahat ng bagay” at “maglalaan kay Jehova ng isang bayang nahahanda” na tatanggap sa Mesiyas. Ngunit sinabi rin ni Malakias na si “Elias” ang tagapagpauna sa “dakila at kakila- kilabot na araw ni Jehova,” upang ipahiwatig ang hinaharap na katuparan ng isa pang araw ng paghuhukom.​—Mat. 17:11; Luc. 1:17; Mat. 11:14; Mar. 9:12.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share