Bakit Isiniwalat ni Jehova ang Kaniyang Pangalan?
Isang komentaryo sa “Matandang Tipan” na inilathala sa Poland noong 1964 ang sumasagot ng tanong na ito sa isang paraan na lubhang pumupukaw ng pag-iisip. Sa ilalim ng imprimatur ng Iglesiya Katolika Romana, si Dr. Stanisław Łach, propesor ng Lublin University, ay nagpahayag:
“Ang pinalayang mga tao ang responsable sa pagkahayag ng pangalan ng Diyos sa harap ng sangkatauhan.” Pananagutan ng mga Israelita na magsikap “upang purihin ng mga Gentil ang pangalan ni Jahwe [Jehova] at na huwag nilang dulutan ito ng upasala.” “Ang Jahwe ay may kahulugan . . . Ang sanlibutan ay hahatulan depende sa reaksiyon niyaong mga may taglay ng pangalang iyan.” Sinabi ng propesor na “ang pangalang Jahwe ay magiging dakila sa gitna ng mga bansa . . . Ito’y lalaganap sa buong daigdig. Ganiyan ang inilaang katutunguhan ng . . . pangalang iyan kay Moises.”
Oo, sa Malakias 1:11 ay inihula: “ ‘Ang aking pangalan ay magiging dakila sa gitna ng mga bansa,’ ang sabi ni Jehova ng mga hukbo.” At sino sa ngayon ang naghahayag ng pangalang iyan sa buong daigdig upang “lahat ng tumatawag sa pangalan ni Jehova ay maligtas”? Ang mga Saksi ni Jehova! Ang reaksiyon ng publiko sa “bayan ukol sa kaniyang pangalan” na ito, oo, “yaong mga may taglay ng kaniyang pangalan,” ay kinasasaligan ng buhay at kamatayan para sa kanila. Ano ba ang inyong reaksiyon kay Jehova at sa kanyang mga Saksi?—Gawa 2:21; 15:14; ihambing ang Malakias 3:16-18.