Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Kinapopootan ni Jehova ang Landas ng Kataksilan
    Ang Bantayan—2002 | Mayo 1
    • 5, 6. (a) Bakit higit na karapat-dapat sisihin ang mga saserdote? (b) Paano ipinahayag ni Jehova ang pagkasuklam sa mga saserdote?

      5 Bakit higit na karapat-dapat sisihin ang mga saserdote? Ang talata 7 ay nagbibigay ng malinaw na pahiwatig: “Ang mga labi ng saserdote ang siyang dapat mag-ingat ng kaalaman, at ang kautusan ang dapat na hanapin ng bayan mula sa kaniyang bibig; sapagkat siya ang mensahero ni Jehova ng mga hukbo.” Mahigit na sanlibong taon bago nito, ang mga kautusan ng Diyos na ibinigay sa Israel sa pamamagitan ni Moises ay nagsabi na ang mga saserdote ay may tungkulin na “ituro sa mga anak ni Israel ang lahat ng mga tuntunin na sinalita ni Jehova.” (Levitico 10:11) Nakalulungkot, nang maglaon ay iniulat ng manunulat ng 2 Cronica 15:3: “Marami ang mga araw noon na ang Israel ay walang tunay na Diyos at walang saserdoteng nagtuturo at walang Kautusan.”

      6 Nang panahon ni Malakias, noong ikalimang siglo B.C.E., gayundin ang situwasyon ng mga saserdote. Hindi nila itinuturo ang Kautusan ng Diyos sa bayan. Kaya karapat-dapat na papagsulitin ang mga saserdoteng iyon. Pansinin ang matitinding salita na ipinatutungkol ni Jehova laban sa kanila. Sinasabi ng Malakias 2:3: “Kakalatan ko ng dumi ang inyong mga mukha, ng dumi ng inyong mga kapistahan.” Anong tinding pagsaway! Ang dumi ng inihaing mga hayop ay dapat sanang dalhin sa labas ng kampo at sunugin. (Levitico 16:27) Subalit nang sabihin ni Jehova na ang dumi ay ikakalat na lamang sa kanilang mga mukha, maliwanag na ipinakikita nito na kinasuklaman niya at tinanggihan ang kanilang mga hain at yaong mga naghahandog sa mga ito.

  • Kinapopootan ni Jehova ang Landas ng Kataksilan
    Ang Bantayan—2002 | Mayo 1
    • 11. Sino lalo na ang kailangang maging maingat?

      11 Kung tungkol sa mga may pribilehiyong magturo ng Salita ng Diyos sa mga kongregasyon sa ngayon, ang Malakias 2:7 ay dapat magsilbing babala. Sinasabi nito na ang kanilang mga labi ay “dapat mag-ingat ng kaalaman, at ang kautusan ang dapat na hanapin ng bayan” mula sa kanilang bibig. May mabigat na pananagutan ang gayong mga guro, sapagkat ipinahihiwatig ng Santiago 3:1 na sila ay ‘tatanggap ng mas mabigat na hatol.’ Bagaman dapat silang magturo nang may sigla at pananabik, ang kanilang turo ay dapat na matibay na nakasalig sa nasusulat na Salita ng Diyos at sa tagubilin na nanggagaling sa organisasyon ni Jehova. Sa gayong paraan ay magiging “lubusang kuwalipikado [sila] na magturo naman sa iba.” Kaya naman, pinapayuhan sila: “Gawin mo ang iyong buong makakaya na iharap sa Diyos ang iyong sarili bilang sinang-ayunan, manggagawa na walang anumang ikinahihiya, na ginagamit nang wasto ang salita ng katotohanan.”​—2 Timoteo 2:2, 15.

      12. Yaong mga nagtuturo ay kailangang magsagawa ng anong pag-iingat?

      12 Kung hindi tayo mag-iingat, baka matukso tayong maglakip ng sariling mga kagustuhan o mga opinyon sa ating pagtuturo. Iyon ay lalo nang magiging isang panganib sa isa na may hilig na magtiwala sa kaniyang sariling mga palagay kahit sumasalungat ang mga ito sa itinuturo ng organisasyon ni Jehova. Ngunit ipinakikita ng Malakias kabanata 2 na dapat nating asahan na ang mga guro sa kongregasyon ay manghahawakan sa kaalamang mula sa Diyos at hindi sa personal na mga ideya, na maaaring makatisod sa mga tupa. Sinabi ni Jesus: “Sinumang tumitisod sa isa sa maliliit na ito na nananampalataya sa akin, higit na kapaki-pakinabang sa kaniya na bitinan ang kaniyang leeg ng isang gilingang-bato na gaya niyaong iniikot ng isang asno at ilubog sa malawak na laot ng dagat.”​—Mateo 18:6.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share