Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pagpapatahimik sa Isang Kakila-kilabot na Bagyo
    Ang Bantayan—1987 | Mayo 1
    • Mauunawaan kung bakit napapagod si Jesus. Kaya, pagkatapos na sila’y gumaod na palayo, siya’y humiga na sa bandang likod ng bangka, inihimlay ang kaniyang ulo sa isang unan, at nakatulog nang mahimbing. Marami sa mga apostol ang may karanasang mga magdaragat, palibhasa’y matagal ding nangisda sila sa Dagat ng Galilea. Kaya’t sila ang nangasiwa sa paglalayag ng bangka.

      Subalit hindi ito isang madaling biyahe. Dahilan sa mas mainit na temperatura ng tubig sa gawing ibabaw ng look, na mga 700 piye (210 m) ang baba sa patag ng dagat, at sa mas malamig na hangin sa karatig na mga bundok, malalakas na hangin ang paminsan-minsan ay umiihip paibaba at lumikha ng biglaang malalakas na bagyo sa look. Ito na nga ang nangyari ngayon. Hindi nagtagal at ang bangka ay sinasalpok ng mga alon at hinahambalos ng tumitilamsik na tubig, kung kaya’t halos mapunô ng tubig at lumubog. Gayunman, si Jesus ay patuloy pa ring natutulog!

  • Pagpapatahimik sa Isang Kakila-kilabot na Bagyo
    Ang Bantayan—1987 | Mayo 1
    • [Buong-pahinang larawan sa pahina 8]

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share