Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Bumalik Na Uli sa Capernaum
    Ang Bantayan—1986 | Mayo 1
    • Samantalang si Jesus ay nagtuturo sa karamihan, apat na lalaki ang nagdala sa bahay na iyon ng isang paralitiko na nasa isang higaan. Ibig nilang ang kanilang kaibigan ay pagalingin ni Jesus, ngunit dahilan sa karamihan ng tao ay hindi sila makapasok. Tunay na nakasisira ng loob! Ngunit hindi sila umurong. Umakyat sila sa patag na bubong, kanilang binutasan iyon sa pamamagitan ng pag-aalis sa tisa, at ang kinahihigaan ng lumpo ay kanilang ibinaba roon sa tabing-tabi ni Jesus.

      Nagalit ba si Jesus dahilan sa ginawang iyon? Hindi! Sa halip, siya’y totoong humanga sa kanilang pananampalataya. Sinabi niya sa lumpo: “Ang iyong mga kasalanan ay pinatatawad.” Subalit talaga kayang makapagpapatawad ng mga kasalanan si Jesus? Hindi ganoon ang iniisip ng mga eskriba at mga Fariseo. Kaya’t sila’y nangatuwiran sa kanilang puso: “Sino ba ang makapagpapatawad sa mga kasalanan kundi ang Diyos lamang?”

  • Bumalik Na Uli sa Capernaum
    Ang Bantayan—1986 | Mayo 1
Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share