-
Inihanda ni Juan Bautista ang DaanJesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
-
-
Si Juan ay isang kahanga-hangang lalaki, sa hitsura at sa pagsasalita. Yari sa balahibo ng kamelyo ang kaniyang damit, at may suot siyang sinturon na gawa sa balat ng hayop. Ang pagkain niya ay balang—isang uri ng tipaklong—at pulot-pukyutan. Ano ang kaniyang mensahe? “Magsisi kayo dahil ang Kaharian ng langit ay malapit na.”—Mateo 3:2.
Naantig ng mensahe ni Juan ang mga pumupunta sa kaniya para makinig. Nakita ng marami na kailangan nilang magsisi, o magbago ng saloobin at paggawi, at talikuran ang masamang pamumuhay. Ang mga nagpupunta sa kaniya ay mga “taga-Jerusalem at . . . mga tao sa buong Judea at sa buong lupain sa palibot ng Jordan.” (Mateo 3:5) Marami sa kanila ay talagang nagsisisi. Binabautismuhan niya sila, o inilulubog sa tubig ng Ilog Jordan. Bakit?
-
-
Inihanda ni Juan Bautista ang DaanJesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
-
-
Kaya talagang napapanahon ang mensahe ni Juan: “Magsisi kayo dahil ang Kaharian ng langit ay malapit na.” (Mateo 3:2) Ipinaaalam nito sa mga tao na malapit nang magsimula ang ministeryo ng Haring ipinangako ni Jehova, si Jesu-Kristo.
-