Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Handang Mangaral Kahit Pag-usigin
    Jesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
    • Binigyan ni Jesus ang mga apostol ng malilinaw na tagubilin kung paano mangangaral. Pero hindi lang iyan. Nagbabala rin siya tungkol sa mga mananalansang: “Isinusugo ko kayong gaya ng mga tupa sa gitna ng mga lobo . . . Mag-ingat kayo sa mga tao, dahil dadalhin nila kayo sa mga hukuman, at hahagupitin nila kayo sa mga sinagoga nila. At dadalhin kayo sa harap ng mga gobernador at mga hari dahil sa akin.”—Mateo 10:16-18.

  • Handang Mangaral Kahit Pag-usigin
    Jesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
    • Napakahalaga nga ng mga tagubilin, babala, at pampatibay ni Jesus sa 12 apostol! Pero ang mga sinabi ni Jesus ay para din sa mga makikibahagi sa pangangaral pagkamatay at pagkabuhay niyang muli. Makikita ito sa pagsasabi ni Jesus na ang kaniyang mga alagad ay “kapopootan . . . ng lahat ng tao,” hindi lang ng mga taong pangangaralan ng mga apostol. Isa pa, sa maikling panahong ito ng pangangaral ng mga apostol sa Galilea, wala tayong mababasa na sila ay dinala sa mga gobernador at mga hari, o ipinapatay man ng kanilang pamilya.

      Maliwanag na nasa isip ni Jesus ang hinaharap nang sabihin niya ang mga iyon sa mga apostol. Pansinin na sinabi niyang hindi malilibot ng mga alagad ang kanilang teritoryo sa pangangaral “hanggang sa dumating ang Anak ng tao.” Ipinakikita rito ni Jesus na hindi matatapos ng mga alagad ang pangangaral tungkol sa Kaharian ng Diyos bago dumating ang niluwalhating Haring Jesu-Kristo bilang hukom na inatasan ng Diyos.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share