Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Paghahanda ng Pagharap sa Pag-uusig
    Ang Bantayan—1987 | Agosto 1
    • PAGKATAPOS itagubilin sa kaniyang mga apostol ang mga paraan ng pangangaral, si Jesus ay nagbabala sa kanila tungkol sa mga mananalansang. Sinabi niya: “Narito! Sinusugo ko kayong gaya ng mga tupa sa gitna ng mga lobo . . . Magpakaingat kayo sa mga tao; sapagkat kayo’y ibibigay nila sa mga lokal na hukuman, at kayo’y hahampasin nila sa kanilang mga sinagoga. Oo, kayo’y dadalhin sa harap ng mga gobernador at mga hari dahil sa akin.”

  • Paghahanda ng Pagharap sa Pag-uusig
    Ang Bantayan—1987 | Agosto 1
    • Totoo nga na ibinigay ni Jesus ang tagubiling ito, babala, at pampatibay-loob sa kaniyang 12 apostol, subalit inilaan din naman ito sa mga makikibahagi sa pandaigdig na pangangaral pagkamatay at pagkabuhay-muli niya. Ito’y ipinakikita ng bagay na kaniyang sinabi na ang kaniyang mga alagad ay ‘kapopootan ng lahat ng tao,’ hindi lamang ng mga Israelita na pinagsuguan sa mga apostol upang pangaralan. At, maliwanag na ang mga apostol ay hindi dinala sa harap ng mga gobernador at mga hari nang sila’y suguin ni Jesus sa kanilang maikling panahon ng pangangaral. Isa pa, noon ang mga mananampalataya ay hindi naman ibinibigay sa kamatayan ng mga miyembro ng pamilya.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share