-
Handang Mangaral Kahit Pag-usiginJesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
-
-
Oo, maaaring mapaharap ang mga tagasunod ni Jesus sa matinding pag-uusig, pero tiniyak niya: “Kapag dinala nila kayo roon, huwag kayong mag-alala kung ano ang sasabihin ninyo o kung paano ninyo ito sasabihin, dahil ipaaalam sa inyo ang sasabihin ninyo sa oras na iyon; ang magsasalita ay hindi lang kayo, kundi ang espiritu ng inyong Ama ang magsasalita sa pamamagitan ninyo.” Sinabi pa ni Jesus: “Ipapapatay ng kapatid ang kapatid niya, at ng ama ang anak niya, at ang mga anak ay lalaban sa mga magulang nila at ipapapatay ang mga ito. At kapopootan kayo ng lahat ng tao dahil sa pangalan ko, pero ang makapagtitiis hanggang sa wakas ang maliligtas.”—Mateo 10:19-22.
-
-
Handang Mangaral Kahit Pag-usiginJesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
-
-
Napakahalaga nga ng mga tagubilin, babala, at pampatibay ni Jesus sa 12 apostol! Pero ang mga sinabi ni Jesus ay para din sa mga makikibahagi sa pangangaral pagkamatay at pagkabuhay niyang muli. Makikita ito sa pagsasabi ni Jesus na ang kaniyang mga alagad ay “kapopootan . . . ng lahat ng tao,” hindi lang ng mga taong pangangaralan ng mga apostol. Isa pa, sa maikling panahong ito ng pangangaral ng mga apostol sa Galilea, wala tayong mababasa na sila ay dinala sa mga gobernador at mga hari, o ipinapatay man ng kanilang pamilya.
Maliwanag na nasa isip ni Jesus ang hinaharap nang sabihin niya ang mga iyon sa mga apostol. Pansinin na sinabi niyang hindi malilibot ng mga alagad ang kanilang teritoryo sa pangangaral “hanggang sa dumating ang Anak ng tao.” Ipinakikita rito ni Jesus na hindi matatapos ng mga alagad ang pangangaral tungkol sa Kaharian ng Diyos bago dumating ang niluwalhating Haring Jesu-Kristo bilang hukom na inatasan ng Diyos.
-