Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Biláng ni Jehova “ang Mismong mga Buhok ng Inyong Ulo”
    Ang Bantayan—2005 | Agosto 1
    • 6 Upang tulungan ang kaniyang mga apostol na maunawaan kung bakit hindi sila kailangang matakot, nagbigay pa si Jesus ng dalawang ilustrasyon. Sinabi niya sa kanila: “Hindi ba ang dalawang maya ay ipinagbibili sa isang barya na maliit ang halaga? Gayunma’y walang isa man sa kanila ang mahuhulog sa lupa nang hindi nalalaman ng inyong Ama. Ngunit ang mismong mga buhok ng inyong ulo ay biláng na lahat. Kaya nga huwag kayong matakot: nagkakahalaga kayo nang higit kaysa sa maraming maya.” (Mateo 10:29-31) Pansinin na pinag-ugnay ni Jesus ang kawalan ng takot sa harap ng kapighatian at ang pagkakaroon ng tiwalang nagmamalasakit si Jehova sa atin bilang indibiduwal. Maliwanag na taglay ni apostol Pablo ang pagtitiwalang iyan. Sumulat siya: “Kung ang Diyos ay panig sa atin, sino ang magiging laban sa atin? Siya na hindi nagkait maging ng kaniyang sariling Anak kundi ibinigay niya siya para sa ating lahat, bakit hindi rin niya may-kabaitang ibibigay sa atin ang lahat ng iba pang bagay kasama siya.” (Roma 8:31, 32) Anumang hamon ang mapaharap sa iyo, makapagtitiwala ka rin na nagmamalasakit si Jehova sa iyo bilang indibiduwal hangga’t nananatili kang matapat sa kaniya. Higit pa itong lilinaw kung susuriin natin ang tagubilin ni Jesus sa kaniyang mga apostol.

      Ang Halaga ng Maya

      7, 8. (a) Ano ang turing sa mga maya noong panahon ni Jesus? (b) Ano ang maliwanag na dahilan ng palalakip ng Mateo 10:29 ng pang-uri sa salitang Griego para sa “mga maya”?

      7 Ang mga ilustrasyon ni Jesus ay mabisang naglalarawan sa pagmamalasakit ni Jehova sa bawat isa sa Kaniyang mga lingkod. Isaalang-alang muna natin ang tungkol sa mga maya. Noong panahon ni Jesus, ang mga maya ay kinakain, subalit dahil naninira sila ng pananim, karaniwan nang itinuturing silang peste. Napakarami at napakamura ng mga maya anupat puwede kang bumili ng dalawa nito sa halagang katumbas ng wala pang tatlong piso sa ngayon. Kung dodoblihin ang halagang ito, hindi lamang apat ang mabibili mo kundi lima​—may isang dagdag na ibon, na para bang wala na nga itong halaga!​—Lucas 12:6.

      8 Isaalang-alang din kung gaano kaliit ang karaniwang ibong ito. Kung ihahambing sa marami pang ibang ibon, kahit ang nasa hustong gulang na maya ay napakaliit pa rin. Magkagayunman, ang salitang Griego na isinaling “mga maya” sa Mateo 10:29 ay partikular na tumutukoy sa maliliit na maya. Maliwanag na nais ni Jesus na gunigunihin ng kaniyang mga apostol ang isang ibon na talagang halos wala nang kahala-halaga. Gaya ng sabi ng isang akda, “Napakaliit na nga ng ibong binanggit ni Jesus, lalo pa itong pinaliit ng ginamit niyang pang-uri!”

      9. Anong mabisang punto ang napalitaw ng ilustrasyon ni Jesus tungkol sa mga maya?

      9 Ang analohiya (analogy) ni Jesus tungkol sa mga maya ay nagpalitaw ng isang mabisang punto: Ang waring walang kabuluhan sa mga tao ay mahalaga sa Diyos na Jehova. Lalo pang idiniin ni Jesus ang katotohanang ito sa pagsasabing ang isang maliit na maya ay hindi “mahuhulog sa lupa” nang hindi napapansin ni Jehova.c Maliwanag ang aral. Kung ang napakaliit at halos wala nang kahala-halagang ibon ay pinag-uukulan ng pansin ng Diyos na Jehova, lalo na niyang pagmamalasakitan ang kalagayan ng isang tao na nagpasiyang maglingkod sa kaniya!

  • Biláng ni Jehova “ang Mismong mga Buhok ng Inyong Ulo”
    Ang Bantayan—2005 | Agosto 1
    • c Ipinahihiwatig ng ilang iskolar na ang pagkahulog ng maya sa lupa ay maaaring tumukoy hindi lamang sa pagkamatay nito. Sinasabi nila na ang pariralang ito sa orihinal na wika ay posibleng tumukoy sa pagbaba ng ibon sa lupa upang kumain. Kung gayon, ipinahihiwatig nito na pinag-uukulan ng pansin at pinagmamalasakitan ng Diyos ang ibon sa araw-araw na mga ginagawa nito, hindi lamang kapag namatay ito.​—Mateo 6:26.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share