Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Matitisod Ka Ba Dahil kay Jesus?
    Ang Bantayan (Pag-aaral)—2021 | Mayo
    • 3 Alam ni Jesus na marami ang hindi maniniwalang siya ang Mesiyas. (Juan 5:39-44) Sinabi niya sa isang grupo ng mga alagad ni Juan Bautista: “Maligaya ang hindi nakakakita sa akin ng ikatitisod.” (Mat. 11:2, 3, 6, tlb.) Bakit napakaraming hindi naniwala kay Jesus?

  • Matitisod Ka Ba Dahil kay Jesus?
    Ang Bantayan (Pag-aaral)—2021 | Mayo
    • (1) PINAGMULAN NI JESUS

      Sinasabi ni Felipe kay Natanael na lumapit kay Jesus, na nakaupo sa malapit.

      Marami ang natisod dahil sa pinagmulan ni Jesus. Bakit masasabing iyan din ang ikinatitisod ng ilan sa ngayon? (Tingnan ang parapo 5)b

      5. Bakit kaya inisip ng ilan na imposibleng si Jesus ang inihulang Mesiyas?

      5 Marami ang natisod dahil sa pinagmulan ni Jesus. Aminado silang mahusay magturo si Jesus at nakakagawa siya ng mga himala. Pero para sa kanila, anak lang siya ng isang hamak na karpintero. At mula siya sa Nazaret, isang lunsod na posibleng minamaliit noon. Kahit si Natanael, na naging alagad ni Jesus, ay nagsabi noong una: “Mayroon bang anumang mabuti na puwedeng manggaling sa Nazaret?” (Juan 1:46) Posibleng mababa ang tingin ni Natanael sa lunsod na pinagmulan ni Jesus. O baka iniisip niya ang hula sa Mikas 5:2, na nagsasabing ang Mesiyas ay ipapanganak sa Betlehem, hindi sa Nazaret.

      6. Ano sana ang nakatulong sa mga tao noong panahon ni Jesus para matukoy nilang si Jesus ang Mesiyas?

      6 Ano ang sinasabi ng Kasulatan? Inihula ni propeta Isaias na hindi magbibigay-pansin ang mga kaaway ni Jesus “sa mga detalye ng pinagmulan” ng Mesiyas. (Isa. 53:8) Marami sa mga detalyeng iyon ang inihula. Kung pinag-aralan lang nilang mabuti ang lahat ng impormasyon, nalaman sana nilang si Jesus ay ipinanganak sa Betlehem at inapo ni Haring David. (Luc. 2:4-7) Kaya ipinanganak si Jesus sa lugar na inihula sa Mikas 5:2. Ano ang naging problema? Napakabilis nilang gumawa ng konklusyon kahit hindi pa nila alam ang lahat ng detalye. Dahil dito, natisod sila.

  • Matitisod Ka Ba Dahil kay Jesus?
    Ang Bantayan (Pag-aaral)—2021 | Mayo
    • (2) TUMANGGI SI JESUS NA GUMAWA NG MGA TANDA NA HINIHINGI NG MGA TAO

      Nagtuturo si Jesus sa maraming tao.

      Marami ang natisod dahil tumanggi si Jesus na gumawa ng mga tanda na hinihingi ng mga tao. Bakit masasabing iyan din ang ikinatitisod ng ilan sa ngayon? (Tingnan ang parapo 9-10)c

      9. Ano ang nangyari nang tumanggi si Jesus na magpakita ng isang tanda mula sa langit?

      9 Noong panahon ni Jesus, may mga hindi nakontento sa kamangha-manghang mga turo niya. Gusto pa nilang patunayan ni Jesus na siya ang Mesiyas at magpakita siya ng “isang tanda mula sa langit.” (Mat. 16:1) Posibleng dahil ito sa maling pagkaintindi nila sa Daniel 7:13, 14. Pero hindi pa iyon ang itinakdang panahon ni Jehova para matupad ang hulang iyan. Sa mga itinuturo pa lang ni Jesus, dapat sana ay nakumbinsi na silang siya ang Mesiyas. Nang tumanggi siyang ibigay ang tanda na hinihingi nila, natisod sila.​—Mat. 16:4.

      10. Paano tinupad ni Jesus ang isinulat ni Isaias tungkol sa Mesiyas?

      10 Ano ang sinasabi ng Kasulatan? Tungkol sa Mesiyas, isinulat ni propeta Isaias: “Hindi siya sisigaw o maglalakas ng kaniyang tinig, at hindi niya iparirinig sa lansangan ang tinig niya.” (Isa. 42:1, 2) Sa pagmiministeryo ni Jesus, hindi niya hinangad na mapunta sa kaniya ang atensiyon ng mga tao. Hindi siya nagtayo ng magagarbong templo, nagsuot ng espesyal na kasuotang panrelihiyon, o nag-utos na lagyan ng mariringal na titulo ang pangalan niya. Noong nililitis si Jesus, hindi siya gumawa ng tanda para pahangain si Haring Herodes, mangahulugan man iyon ng buhay niya. (Luc. 23:8-11) Bago nito, gumawa rin naman si Jesus ng ilang himala, pero ang pinakamahalaga sa kaniya ay ang pangangaral ng mabuting balita. “Ito ang dahilan kung bakit ako dumating,” ang sabi niya sa mga alagad niya.​—Mar. 1:38.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share