Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Iwaksi rin Natin ang Bawat Pabigat”
    Ang Bantayan—1991 | Oktubre 15
    • Nililinaw ng Kasulatan na hindi naman tayo hinihilingan ni Jehova ng mga bagay na di makatuwiran. Sinabi ni apostol Juan na ang “mga utos [ng Diyos] ay hindi naman mabibigat.” (1 Juan 5:3) Ang kaniyang mga tagasunod ay pinagsabihan din ni Jesus: “Pasanin ninyo ang aking pamatok at kayo’y maging mga alagad ko, sapagkat ako’y maamo at mapagpakumbabang-puso, at masusumpungan ninyo ang kapahingahan ng inyong mga kaluluwa. Sapagkat malambot ang aking pamatok at magaan ang aking pasan.” (Mateo 11:29, 30) Maliwanag na hindi kalooban ni Jehova na tayo’y makadama ng labis na kabigatan ng pasanin o pinabibigatan ng ating paglilingkuran sa kaniya.

      Kung gayon, papaano baka malasin ng isang tapat na Kristiyano ang kaniyang pananagutang Kristiyano bilang isang mabigat na pasanin? Posible, na maraming mga bagay ang kasangkot. Pansinin ang mga salitang ito ni apostol Pablo: “Iwaksi rin natin ang bawat pabigat . . . , at takbuhin natin ng may pagtitiis ang takbuhing inilagay sa harapan natin.” (Hebreo 12:1) Ipinakikita ng mga salita ni Pablo na ang isang Kristiyano kung minsan ay baka nag-aatang sa kaniyang sarili ng mga pasanin na hindi naman kailangan. Ito ay hindi naman tiyakang masasabing may kinalaman sa malulubhang mga pagkakasala. Subalit ang isang Kristiyano ay maaaring magkamali ng pagpapasiya na nagdudulot sa kaniyang buhay ng matitinding suliranin, kaya nagiging napakahirap sa kaniya na tumakbo sa takbuhan na inilagay sa harap natin.

  • “Iwaksi rin Natin ang Bawat Pabigat”
    Ang Bantayan—1991 | Oktubre 15
    • Sinabi ni Jesus na ang kaniyang pamatok ay malambot at ang kaniyang pasan ay magaan ngunit matimbang. Ang pamatok na ipinag-aanyaya sa atin ni Jesus na pasanin natin ay hindi isang pamatok ng katamaran. Ito ay isang pamatok ng lubos na pag-aalay ng sarili sa Diyos bilang isang alagad ni Jesu-Kristo. Samakatuwid, may kasamang antas ng bigat o kagipitan ang pagiging tunay na Kristiyano. (Mateo 16:24-26; 19:16-29; Lucas 13:24) Samantalang lalong lumalala ang mga kalagayan ng daigdig, darami ang mga kagipitan. Gayunman, tayo’y may dahilan na maging positibo sa ating pangmalas sapagkat ang paanyaya ni Jesus ay nagpapahiwatig na ang iba ay sasailalim ng kaniyang pamatok kasama niya at sila’y tutulungan niya.a Sa gayon, habang tayo’y sumusunod sa tagubilin ni Kristo, ang ating pasan ay mananatiling kaya natin sapagkat kaniyang tutulungan tayo.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share