-
Nagpabautismo si JesusJesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
-
-
Pero hindi lang iyan ang nangyari pagkabautismo kay Jesus. “Ang langit ay nabuksan” sa kaniya. Ano ang ibig sabihin nito? Malamang na noong bautismuhan si Jesus, bumalik ang alaala ng buhay niya sa langit bago siya naging tao. Kaya naaalaala na ngayon ni Jesus ang buhay niya bilang espiritung anak ni Jehova, pati na ang mga katotohanang itinuro ng Diyos sa kaniya noong nasa langit siya.
-
-
Matuto Mula sa Pagharap ni Jesus sa TuksoJesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
-
-
Pagkabautismo ni Juan kay Jesus, inakay ng espiritu ng Diyos si Jesus sa ilang ng Judea. Marami siyang dapat pag-isipan. Noong bautismuhan si Jesus, “ang langit ay nabuksan.” (Mateo 3:16) Kaya naaalaala na niya ang kaniyang mga natutuhan at ginawa sa langit. Oo, marami siyang bubulay-bulayin!
-