-
‘Manatili Kayo sa Aking Salita’Ang Bantayan—2003 | Pebrero 1
-
-
16. (a) Anong mga indibiduwal ang inilalarawan ng matinik na lupa? (b) Ayon sa ulat ng tatlong Ebanghelyo, sa ano kumakatawan ang mga tinik?—Tingnan ang talababa.
16 Anong uri ng mga indibiduwal ang inilalarawan ng matinik na lupa? Ganito ang paliwanag ni Jesus: “Ito yaong mga nakarinig, ngunit, sa pagpapadala sa mga kabalisahan at mga kayamanan at mga kaluguran sa buhay na ito, sila ay lubusang nasasakal at walang anumang dinadala sa kasakdalan.” (Lucas 8:14) Kung paanong ang binhi ng manghahasik at ang mga tinik ay sabay na tumutubo sa lupa, gayon sinisikap ng ilang indibiduwal na pagsabayin ang pagtataguyod sa salita ng Diyos at sa “mga kaluguran sa buhay na ito.” Ang katotohanan ng salita ng Diyos ay inihasik sa kanilang puso, ngunit napapaharap ito sa pakikipagpaligsahan sa iba pang mga gawain na umaagaw ng kanilang pansin. Nahahati ang kanilang makasagisag na puso. (Lucas 9:57-62) Pinipigilan sila nito na maglaan ng sapat na panahon upang gumawa ng makabuluhan at may-pananalanging pagbubulay-bulay sa salita ng Diyos. Nabigo silang magbuhos ng lubos na pansin sa salita ng Diyos at sa gayon ay wala silang taos-pusong pagpapahalaga na kinakailangan upang makapagbata. Unti-unti, ang kanilang espirituwal na mga kapakanan ay nadaraig ng di-espirituwal na mga gawain hanggang sa punto na sila ay ‘lubusang nasakal.’c Kaysaklap na wakas para sa mga hindi umiibig kay Jehova nang buong puso!—Mateo 6:24; 22:37.
17. Anong mga pagpapasiya ang kailangan nating gawin sa buhay upang hindi tayo masakal ng makasagisag na mga tinik na binanggit sa ilustrasyon ni Jesus?
17 Sa pamamagitan ng pag-una sa espirituwal na mga bagay kaysa sa materyal na mga bagay, iniiwasan natin na tayo ay masakal ng mga pasakit at mga kaluguran ng sanlibutang ito. (Mateo 6:31-33; Lucas 21:34-36) Dapat na hindi natin kailanman kaligtaan ang pagbabasa ng Bibliya at pagbubulay-bulay sa ating nabasa. Magkakaroon tayo ng mas maraming panahon para sa buhos-na-buhos at may-pananalanging pagbubulay-bulay kung gagawin nating simple ang ating buhay hangga’t maaari. (1 Timoteo 6:6-8) Ang mga lingkod ng Diyos na gumawa ng gayon—na wika nga ay bumunot sa mga tinik mula sa lupa upang magkaroon ng higit na sustansiya, liwanag, at espasyo ang namumungang halaman—ay nakararanas ng pagpapala ni Jehova. Ganito ang sabi ni Sandra, na 26 na taóng gulang: “Kapag binubulay-bulay ko ang aking mga pagpapala sa katotohanan, natatanto ko na bale-wala ang iniaalok ng sanlibutan kung ihahambing dito!”—Awit 84:11.
-
-
‘Manatili Kayo sa Aking Salita’Ang Bantayan—2003 | Pebrero 1
-
-
c Ayon sa ulat ng tatlong Ebanghelyo hinggil sa talinghaga ni Jesus, ang binhi ay sinakal ng mga pasakit at kaluguran ng sanlibutang ito: “Ang mga kabalisahan ng sistemang ito ng mga bagay,” “ang mapanlinlang na kapangyarihan ng kayamanan,” “ang mga pagnanasa sa iba pang mga bagay,” at ang “mga kaluguran sa buhay na ito.”—Marcos 4:19; Mateo 13:22; Lucas 8:14; Jeremias 4:3, 4.
-