Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Ang mga Matuwid ay Sisikat Nang Maliwanag na Gaya ng Araw”
    Ang Bantayan—2010 | Marso 15
    • 3. Ano ang problema ng taong naghasik ng mainam na binhi? Ano ang naisip niyang solusyon?

      3 Ito ang ilustrasyon: “Ang kaharian ng langit ay naging tulad ng isang tao na naghasik ng mainam na binhi sa kaniyang bukid. Habang natutulog ang mga tao, ang kaniyang kaaway ay dumating at naghasik ng mga panirang-damo sa gitna ng trigo, at umalis. Nang sumibol ang dahon at magluwal ng bunga, nang magkagayon ay lumitaw rin ang mga panirang-damo. Kaya ang mga alipin ng may-bahay ay lumapit at nagsabi sa kaniya, ‘Panginoon, hindi ba naghasik ka ng mainam na binhi sa iyong bukid? Kung gayon, paano ito nagkaroon ng mga panirang-damo?’ Sinabi niya sa kanila, ‘Isang kaaway, isang tao, ang gumawa nito.’ Sinabi nila sa kaniya, ‘Kung gayon, ibig mo bang lumabas kami at tipunin ang mga iyon?’ Sinabi niya, ‘Hindi; baka sa paanuman, samantalang tinitipon ninyo ang mga panirang-damo, ay mabunot ninyong kasama nila ang trigo. Hayaan ninyong kapuwa sila lumaking magkasama hanggang sa pag-aani; at sa kapanahunan ng pag-aani ay sasabihin ko sa mga manggagapas, Tipunin muna ninyo ang mga panirang-damo at bigkisin ang mga iyon sa mga bungkos upang sunugin ang mga iyon, pagkatapos ay tipunin ninyo ang trigo sa aking kamalig.’”​—Mat. 13:24-30.

  • “Ang mga Matuwid ay Sisikat Nang Maliwanag na Gaya ng Araw”
    Ang Bantayan—2010 | Marso 15
    • 8, 9. (a) Bakit hindi na magugulat ang mga tagapakinig ni Jesus sa iniutos ng Panginoon sa kaniyang mga alipin? (b) Bilang katuparan, paano lumaking magkasama ang trigo at panirang-damo?

      8 Sinabi ng mga alipin sa kanilang Panginoon ang problema at nagtanong: “Kung gayon, ibig mo bang lumabas kami at tipunin [ang mga panirang-damo]?” (Mat. 13:27, 28) Baka magulat tayo sa kaniyang sagot. Sinabi niyang hayaang lumaking magkasama ang trigo at panirang-damo hanggang sa panahon ng pag-aani. Hindi na magugulat ang mga alagad ni Jesus sa utos na ito. Alam kasi nila na talagang mahirap makita ang pagkakaiba ng trigo at ng panirang-damo. Alam din ng mga may karanasan sa pagsasaka na kadalasan nang pumupulupot ang ugat ng bearded darnel sa ugat ng trigo, kaya kapag binunot ito bago ang pag-aani, kasamang mabubunot ang trigo.c Tama lang na iutos ng Panginoon na maghintay sila!

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share