Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Ang mga Matuwid ay Sisikat Nang Maliwanag na Gaya ng Araw”
    Ang Bantayan—2010 | Marso 15
    • 2. Sa ilustrasyon ni Jesus tungkol sa trigo at sa panirang-damo, kanino kumakatawan ang mainam na binhi?

      2 Pero sa isang ilustrasyon ni Jesus, itinampok niya ang tungkol sa pagtitipon sa mga kasama niyang mamamahala sa kaniyang Kaharian. Ito ay nakaulat sa Mateo kabanata 13 at karaniwan nang tinatawag na talinghaga ng trigo at ng panirang-damo. Sa ibang ilustrasyon ni Jesus, sinabi niya na ang binhing inihasik ay “ang salita ng kaharian.” Pero sa ilustrasyong ito, sinasabi naman niya na may ibang kinakatawanan ang mainam na binhi​—ang “mga anak ng kaharian.” (Mat. 13:19, 38) Ang mga ito ay hindi mga sakop ng Kaharian, kundi “mga anak,” o tagapagmana, ng Kaharian.​—Roma 8:14-17; basahin ang Galacia 4:6, 7.

  • “Ang mga Matuwid ay Sisikat Nang Maliwanag na Gaya ng Araw”
    Ang Bantayan—2010 | Marso 15
    • 4. (a) Sino ang taong naghasik ng mainam na binhi? (b) Kailan at paano sinimulan ni Jesus ang paghahasik ng binhing ito?

      4 Sino ang taong naghasik ng mainam na binhi sa kaniyang bukid? Sinagot ito ni Jesus nang ipaliwanag niya sa kaniyang mga alagad: “Ang manghahasik ng mainam na binhi ay ang Anak ng tao.” (Mat. 13:37) Inihanda ni Jesus, na siyang “Anak ng tao,” ang tatamnang bukid sa panahon ng kaniyang tatlo-at-kalahating-taóng ministeryo sa lupa. (Mat. 8:20; 25:31; 26:64) At mula Pentecostes 33 C.E. patuloy, sinimulan niyang ihasik ang mainam na binhi​—ang “mga anak ng kaharian.” Ang paghahasik na ito ay maliwanag na nagsimula nang ibuhos ni Jesus, bilang kinatawan ni Jehova, ang banal na espiritu sa kaniyang mga alagad, anupat pinahiran sila, o hinirang, bilang mga anak ng Diyos.b (Gawa 2:33) Tumubo at naging hinog na trigo ang mainam na binhi. Kaya ang layunin ng paghahasik ay para matipon sa kalaunan ang kabuuang bilang ng makakasama ni Jesus bilang mga tagapagmana at tagapamahala sa kaniyang Kaharian.

  • “Ang mga Matuwid ay Sisikat Nang Maliwanag na Gaya ng Araw”
    Ang Bantayan—2010 | Marso 15
    • 5. Sino ang kaaway sa ilustrasyon? Kanino kumakatawan ang mga panirang-damo?

      5 Sino ang kaaway, at sino ang mga panirang-damo? Sinasabi sa atin ni Jesus na ang kaaway “ay ang Diyablo.” Ang mga panirang-damo naman ay ang “mga anak ng isa na balakyot.” (Mat. 13:25, 38, 39) Sa literal na diwa, posibleng ang bearded darnel ang panirang-damo na tinutukoy ni Jesus. Kapag murà pa, ang nakalalasong halamang ito ay kahawig na kahawig ng trigo. Kagayang-kagaya ito ng mga huwad na Kristiyano na nag-aangking mga anak ng Kaharian gayong hindi naman nagluluwal ng tunay na bunga! Ang totoo, ang mapagpaimbabaw na mga Kristiyanong ito na nag-aangking mga tagasunod ni Kristo ay bahagi ng “binhi” ni Satanas na Diyablo.​—Gen. 3:15.

  • “Ang mga Matuwid ay Sisikat Nang Maliwanag na Gaya ng Araw”
    Ang Bantayan—2010 | Marso 15
    • 7. Naging panirang-damo ba ang ilang trigo? Ipaliwanag.

      7 Hindi sinabi ni Jesus na magiging panirang-damo ang trigo. Sa halip, sinabi niyang ang mga panirang-damo ay inihasik sa gitna ng trigo. Kaya ang ilustrasyong ito ay hindi lumalarawan sa mga tunay na Kristiyanong lumihis sa katotohanan. Sa halip, tumutukoy ito sa pagsisikap ni Satanas na haluan ng masasamang tao ang kongregasyong Kristiyano. Noong matanda na ang huling apostol na si Juan, kitang-kita na ang apostasyang ito.​—2 Ped. 2:1-3; 1 Juan 2:18.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share