Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mga Ilustrasyon Tungkol sa Kaharian
    Jesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
    • Isang lalaki na nakakita ng nakabaong kayamanan sa isang bukid
      Isang naglalakbay na negosyante na nakakita ng mamahaling perlas

      Tatlo pang ilustrasyon ang ibinigay ni Jesus sa kaniyang mga alagad. Una, sinabi niya: “Ang Kaharian ng langit ay gaya ng kayamanang nakabaon sa bukid, na nakita ng isang tao at ibinaon ulit; dahil sa saya, umalis siya at ipinagbili ang lahat ng ari-arian niya at binili ang bukid na iyon.”—Mateo 13:44.

  • Mga Ilustrasyon Tungkol sa Kaharian
    Jesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
    • Sa dalawang ilustrasyong ito, ipinakita ni Jesus ang pagiging handang magsakripisyo ng isang tao para sa mga bagay na talagang mahalaga. Agad na “ipinagbili [ng negosyante] ang lahat ng pag-aari niya” para mabili ang mamahaling perlas. Mauunawaan ng mga alagad ni Jesus ang halimbawang ito tungkol sa mamahaling perlas, pati na ang tungkol sa lalaking nakakita ng kayamanang nakabaon sa isang bukid na nagbenta ng lahat ng kaniyang ari-arian para mabili ang bukid na iyon. Sa dalawang pagkakataong ito, may napakahalagang bagay na puwedeng makuha at pakaingatan. Maikukumpara ito sa mga sakripisyong ginagawa ng isang tao para magkaroon siya ng kaugnayan sa Diyos. (Mateo 5:3) Napatunayan na ng ilang nakikinig sa mga ilustrasyon ni Jesus na handa silang magsakripisyo para masapatan ang kanilang espirituwal na pangangailangan at maging mga tunay na tagasunod niya.—Mateo 4:19, 20; 19:27.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share