-
Mángangarál—Mga Ministrong Kusang-Loob na Naghahandog ng SariliNamamahala Na ang Kaharian ng Diyos!
-
-
Tulad ng isang taong napakasaya matapos matagpuan ang nakatagong kayamanan, ang mga Kristiyano ay nagsasaya rin dahil natagpuan nila ang katotohanan tungkol sa Kaharian (Tingnan ang parapo 20)
20. Paano ipinapakita ng ilustrasyon ni Jesus tungkol sa nakatagong kayamanan kung paano tutugon ang mga tagasunod niya sa payong patuloy na hanapin muna ang Kaharian?
20 Alam ni Jesus kung paano tutugon ang mga tagasunod niya sa payong patuloy na hanapin muna ang Kaharian. Pansinin ang ilustrasyon niya tungkol sa nakatagong kayamanan. (Basahin ang Mateo 13:44.) Habang nagtatrabaho sa bukid, natagpuan ng lalaki sa ilustrasyon ang isang nakatagong kayamanan at agad na nakita kung gaano ito kahalaga. Ano ang ginawa niya? “Dahil sa kagalakang taglay niya ay humayo siya at ipinagbili ang mga bagay na taglay niya at binili ang bukid na iyon.” Ang aral? Kapag natagpuan natin ang katotohanan tungkol sa Kaharian at nakita ang halaga nito, buong-kagalakan nating isasakripisyo ang anumang bagay para mapanatili ang mga kapakanan ng Kaharian sa tamang dako nito—pagiging una sa ating buhay.d
-
-
Mángangarál—Mga Ministrong Kusang-Loob na Naghahandog ng SariliNamamahala Na ang Kaharian ng Diyos!
-
-
d Ganiyan din ang punto ni Jesus sa ilustrasyon niya tungkol sa naglalakbay na mangangalakal na naghahanap ng mainam na perlas. Nang makita ito ng mangangalakal, ipinagbili niya ang lahat ng taglay niya at binili ang perlas. (Mat. 13:45, 46) Itinuturo din ng dalawang ilustrasyon na puwede tayong matuto ng katotohanan tungkol sa Kaharian sa iba’t ibang paraan. Ang iba, basta na lang ito natatagpuan; ang iba naman, hinahanap ito. Pero paano man natin ito natagpuan, handa tayong magsakripisyo para maging pangunahin sa ating buhay ang Kaharian.
-