Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Dinadalisay ng Hari sa Espirituwal ang mga Tagasunod Niya
    Namamahala Na ang Kaharian ng Diyos!
    • Mangingisdang humahatak ng lambat para makuha ang mga nahuling isda sa dagat

      Ang lambat na pangubkob ay lumalarawan sa pangangaral ng Kaharian na isinasagawa sa dagat ng sangkatauhan (Tingnan ang parapo 18)

      18 Inihuhulog ang “lambat na pangubkob . . . sa dagat.” Ang lambat na pangubkob ay lumalarawan sa pangangaral ng Kaharian na isinasagawa sa dagat ng sangkatauhan. Tinitipon ang “bawat uri ng isda.” Ang mabuting balita ay nakaaakit sa lahat ng uri ng tao​—sa mga nagsisikap para maging tunay na Kristiyano at sa mga interesado sa simula pero hindi naninindigan para sa dalisay na pagsamba.e Tinitipon “ang maiinam sa mga sisidlan.” Ang mga tapat-puso ay tinitipon sa mga kongregasyon, o mga sisidlan, kung saan makapag-uukol sila kay Jehova ng dalisay na pagsamba. Itinatapon “ang mga di-karapat-dapat.” Sa mga huling araw na ito, ibinubukod ni Kristo at ng mga anghel “ang mga balakyot mula sa mga matuwid.”f Bilang resulta, ang mga hindi matuwid ang puso​—marahil ang mga ayaw tumalikod sa maling mga paniniwala o kaugalian—​ay hindi hinahayaang makapagparumi sa mga kongregasyon.g

  • Dinadalisay ng Hari sa Espirituwal ang mga Tagasunod Niya
    Namamahala Na ang Kaharian ng Diyos!
    • f Ang pagbubukod ng maiinam na isda mula sa mga di-karapat-dapat ay iba sa pagbubukod ng mga tupa mula sa mga kambing. (Mat. 25:31-46) Ang pangwakas na hatol, o pagbubukod ng mga tupa mula sa mga kambing, ay magaganap sa malaking kapighatian. Hangga’t hindi pa iyan dumarating, ang mga di-karapat-dapat na isda ay maaari pang manumbalik kay Jehova at matipon sa tulad-sisidlang mga kongregasyon.​—Mal. 3:7.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share