Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Hindi Mo Alam Kung Saan Ito Magtatagumpay!
    Ang Bantayan—2008 | Hulyo 15
    • Ang Lambat na Pangubkob

      15, 16. (a) Ilahad sa maikli ang ilustrasyon tungkol sa lambat na pangubkob. (b) Saan lumalarawan ang lambat na pangubkob, at sa anong aspekto ng paglago ng Kaharian tumutukoy ang ilustrasyong ito?

      15 Ang higit na mahalaga kaysa sa bilang ng mga nag-aangking alagad ni Jesu-Kristo ay ang kalidad ng mga alagad na iyon. Tinukoy ni Jesus ang aspektong ito ng paglago ng Kaharian nang magbigay siya ng isa pang ilustrasyon, ang tungkol sa lambat na pangubkob. Sinabi niya: “Muli ang kaharian ng langit ay tulad ng isang lambat na pangubkob na inihulog sa dagat at nagtitipon ng bawat uri ng isda.”​—Mat. 13:47.

      16 Ang lambat na pangubkob na lumalarawan sa gawaing pangangaral hinggil sa Kaharian ay nagtitipon ng bawat uri ng isda. Sinabi pa ni Jesus: “Nang mapuno [ang lambat na pangubkob] ay hinatak nila ito sa dalampasigan at, pagkaupo nila, tinipon nila ang maiinam sa mga sisidlan, ngunit ang mga di-karapat-dapat ay itinapon nila. Ganiyan ang mangyayari sa katapusan ng sistema ng mga bagay: lalabas ang mga anghel at ibubukod ang mga balakyot mula sa mga matuwid at ihahagis sila sa maapoy na hurno. Doon mangyayari ang kanilang pagtangis at ang pagngangalit ng kanilang mga ngipin.”​—Mat. 13:48-50.

      17. Sa anong yugto ng panahon tumutukoy ang pagbubukod na binanggit sa ilustrasyon tungkol sa lambat na pangubkob?

      17 Tumutukoy ba ang pagbubukod na ito sa pangwakas na hatol sa tupa at mga kambing na sinabi ni Jesus na mangyayari kapag dumating na siya sa kaniyang kaluwalhatian? (Mat. 25:31-33) Hindi. Mangyayari ang pangwakas na hatol sa pagdating ni Jesus sa malaking kapighatian. Sa kabaligtaran, ang pagbubukod na binabanggit sa ilustrasyon ng lambat na pangubkob ay mangyayari sa “katapusan ng sistema ng mga bagay.”b Ito ang panahong kinabubuhayan natin sa ngayon​—ang panahon bago ang malaking kapighatian. Kung gayon, paano nagaganap ang gawaing pagbubukod sa ngayon?

      18, 19. (a) Paano nagaganap ang pagbubukod sa ngayon? (b) Anong hakbang ang dapat gawin ng mga tapat-puso? (Tingnan din ang talababa sa pahina 21.)

      18 Milyun-milyong makasagisag na isda mula sa dagat ng sangkatauhan ang naaakit sa kongregasyon ni Jehova sa modernong panahon. Ang ilan ay dumadalo sa Memoryal, ang iba ay dumadalo sa ating mga pagpupulong, at ang iba naman ay nasisiyahang makipag-aral ng Bibliya. Pero lahat ba ng mga ito ay tunay na Kristiyano? Sila ay maaaring “hinatak . . . sa dalampasigan,” pero sinasabi sa atin ni Jesus na “maiinam” lamang ang tinitipon sa sisidlan, na lumalarawan sa mga kongregasyong Kristiyano. Itinatapon ang mga di-karapat-dapat at sa bandang huli ay ihahagis sa makasagisag na maapoy na hurno, na nangangahulugan ng pagkapuksa sa hinaharap.

      19 Kung tungkol sa di-karapat-dapat na isda, maraming nakipag-aral ng Bibliya sa bayan ni Jehova ang tumigil na sa pag-aaral. Ang ilan bagaman anak ng mga Saksi ay ayaw talagang maging tagasunod ni Jesus. Ayaw nilang magpasiyang paglingkuran si Jehova o kung maglingkod man sila, hindi naman sila nagpapatuloy.c (Ezek. 33:32, 33) Subalit kailangang-kailangan ng lahat ng tapat-pusong mga tao na hayaang matipon sila sa tulad-sisidlang kongregasyon bago ang huling araw ng paghatol at manatili sa isang ligtas na dako.

  • Hindi Mo Alam Kung Saan Ito Magtatagumpay!
    Ang Bantayan—2008 | Hulyo 15
    • 20, 21. (a) Ano ang natutuhan natin sa pagrerepaso sa mga ilustrasyon ni Jesus may kinalaman sa paglago? (b) Ano ang determinado mong gawin?

      20 Ano ang natutuhan natin sa maikling pagrerepaso sa mga ilustrasyon ni Jesus may kinalaman sa paglago? Una, mabilis ang pagdami ng mga taong nakikinig sa mensahe ng Kaharian tulad ng paglago ng butil ng mustasa. Walang makapipigil sa paglawak ng gawain ni Jehova! (Isa. 54:17) Karagdagan pa, ang proteksiyon laban kay Satanas at sa kaniyang balakyot na sanlibutan ay inilalaan sa mga humahanap ng “masisilungan sa ilalim ng lilim [ng punungkahoy].” Ikalawa, ang Diyos ang nagpapalago nito. Gaya ng pagkalat ng itinagong lebadura sa buong limpak, hindi ito agad palaging nakikita o nauunawaan pero nangyayari ito! Ikatlo, hindi napatutunayan ng lahat ng tumutugon na sila ay karapat-dapat. Ang ilan ay tulad ng di-karapat-dapat na isda sa ilustrasyon ni Jesus.

  • Hindi Mo Alam Kung Saan Ito Magtatagumpay!
    Ang Bantayan—2008 | Hulyo 15
    • b Bagaman tumutukoy ang Mateo 13:39-43 sa ibang aspekto ng gawaing pangangaral hinggil sa Kaharian, ang panahon ng katuparan nito ay sa panahon din ng katuparan ng ilustrasyon tungkol sa lambat na pangubkob, samakatuwid nga, sa “katapusan ng sistema ng mga bagay.” Ang pagbubukod sa makasagisag na isda ay nagpapatuloy hanggang sa ngayon, kung paanong ang paghahasik at pag-aani ay nagpapatuloy sa ating panahon.​—Ang Bantayan, Oktubre 15, 2000, pahina 25-26; Sambahin ang Tanging Tunay na Diyos, pahina 178-181, parapo 8-11.

      c Nangangahulugan ba ito na lahat ng tumigil na sa pakikipag-aral o pakikisama sa bayan ni Jehova ay itinapon na ng mga anghel bilang di-karapat-dapat? Hindi! Kung ang isa ay talagang nagnanais manumbalik kay Jehova, tatanggapin Niya siya.​—Mal. 3:7.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share