Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Paglilingkod kay Jehova Taglay ang Espiritu ng Pagsasakripisyo-sa-Sarili
    Ang Bantayan—1993 | Hunyo 1
    • 2. Ano ang epekto kay Pedro ng sinabi ni Jesus tungkol sa Kaniyang pagdaranas ng hirap sa hinaharap, at papaano tumugon si Jesus?

      2 Biláng na ang mga araw ni Jesus. Subalit, si Pedro ay nahilang magalit ng gayong waring malagim na kaisipan. Hindi niya matanggap na talagang papatayin ang Mesiyas. Sa gayon, si Pedro ay nangahas na sawayin ang kaniyang Panginoon. Palibhasa’y pinakilos ng pinakamabuting hangarin, may kapusukang sinabi niya: “Maging mabait ka sa iyong sarili, Panginoon; malayong mangyari ito sa iyo.” Subalit tinanggihan ni Jesus ang maling kabaitan ni Pedro, kung papaano tiyak na tiyak dudurugin ng isa ang ulo ng isang makamandag na ahas. “Lumagay ka sa likuran ko, Satanas! Ikaw ay batong katitisuran sa akin, sapagkat hindi mo pinag-iisip ang mga bagay ng Diyos, kundi yaong sa mga tao.”​—Mateo 16:22, 23.

      3. (a) Papaano sa di-sinasadya’y ginawa ni Pedro ang sarili niya na isang ahente ni Satanas? (b) Papaano naging isang batong katitisuran si Pedro sa landas ng pagsasakripisyo-sa-sarili?

      3 Sa di-sinasadya’y ginawa ni Pedro ang sarili niya na isang ahente ni Satanas. Ang tugon ni Jesus ay positibo na gaya nang kaniyang sagutin si Satanas sa ilang. Doon sinikap ng Diyablo na akitin si Jesus tungo sa isang buhay na madali, isang paghahari na walang kahirap-hirap. (Mateo 4:1-10) Ngayon siya’y hinihimok ni Pedro na huwag namang magmalupit sa kaniyang sarili. Batid ni Jesus na hindi ito ang kalooban ng kaniyang Ama. Ang buhay niya ay kailangang may pagsasakripisyo-sa-sarili, hindi pagpapalugod-sa-sarili. (Mateo 20:28) Si Pedro ay naging isang batong katitisuran sa gayong landasin; ang kaniyang pakikiramay na walang masamang layunin ay nagsilbing isang silo.a Subalit, malinaw na nakikita ni Jesus na kung siya’y magpapahinuhod sa idea ng isang buhay na walang pagsasakripisyo, siya’y hindi tatanggap ng pagsang-ayon ng Diyos dahil sa pagkahuli sa nakamamatay na panggigipit na likha ng silo ni Satanas.

      4. Bakit si Jesus at ang kaniyang mga tagasunod ay hindi namuhay sa kalayawan at kaginhawahan?

      4 Samakatuwid, ang kaisipan ni Pedro ay kinailangang iwasto. Ang kaniyang mga salita kay Jesus ay kumakatawan sa idea ng isang tao, hindi ng Diyos. Ang pamumuhay sa kalayawan at kaginhawahan, isang madaling paraan upang makaiwas sa kahirapan, ay hindi ibig ni Jesus para sa kaniyang sarili; ni para rin sa kaniyang mga tagasunod, sapagkat sumunod na sinabi ni Jesus kay Pedro at sa iba pang mga alagad: “Kung ang sinuman ay ibig sumunod sa akin, itakwil niya ang kaniyang sarili at pasanin ang kaniyang pahirapang tulos at patuloy na sumunod sa akin.”​—Mateo 16:24.

  • Paglilingkod kay Jehova Taglay ang Espiritu ng Pagsasakripisyo-sa-Sarili
    Ang Bantayan—1993 | Hunyo 1
    • a Sa Griego, ang “batong katitisuran” (σκάνδαλον, skanʹda·lon) ay may orihinal na kahulugang “ang pangalan ng bahagi ng isang silo na doon nakakabit ang pain, sa gayon, ito ang patibong o silo mismo.”​—Vine’s Expository Dictionary of Old and New Testament Words.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share