Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan—1987 | Mayo 1
    • Gayunman, ituon natin ang ating pansin sa isa pang kahulugan ng koʹsmos ayon sa Bibliya. Ito’y tumutukoy sa balangkas, kaayusan, o kapaligiran ng buhay ng tao.a Ang gayong gamit ay makikita sa sinabi ni Jesus: “Ano ang kapakinabangan sa isang tao kung makakamtan niya ang buong sanlibutan [koʹsmos] ngunit maiwawala naman ang kaniyang kaluluwa?” (Mateo 16:26) Malinaw, hindi ang tinutukoy ni Kristo’y ang ‘pagtatamo [ng isang tao] ng buong sanlibutan ng sangkatauhan,’ ni yaon mang ‘buong sanlibutan ng mga taong hiwalay sa Diyos.’ Hindi ang sangkatauhan ang maaaring makamtan ng isang materyalistikong tao, kundi yaong mayroon ang mga tao, yaong ginagawa nila, o isinasaayos. Ito’y may katotohanan din naman tungkol sa mga obserbasyon ni apostol Pablo ng isang taong may asawa na ‘nababalisa ukol sa mga bagay ng sanlibutan.’ Gayundin, hindi dapat sa isang Kristiyano na ‘gamitin ang sanlibutan sa kalubusan.’​—1 Corinto 7:31-33.

  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan—1987 | Mayo 1
    • a Ang diksiyunaryong sinipi sa itaas ay bumabanggit na kahit na sa sinaunang Griego na hindi ginagamit ng Bibliya ang “kosmos ang saligang termino para sa pandaigdig-na-kaayusan, ang pandaigdig-na-sistema.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share